45

3 1 0
                                    

2011



Tinanggal ko na ang apron na suot ko. Tapos ay inikot ang palad ko sa cheeks ko. It hurts from faking a smile.

Wala naman ako ginagawa sa bahay kaya I decided na tumulong muna rito sa cafe ko.

Kinuha ko ang pabango sa bag ko and sprayed it to get rid of the smell of coffees and freshly baked cakes. Hindi naman sa mabaho, sadyang ayaw ko lang maging amoy ko yun.

Inayos ko na rin ang buhok ko. I glanced at the mirror na nandito sa may backroom ng cafe. I smiled. Ayan, mukhang tao na ulit ako.

I grabbed my bag and smiled at my staffs. Nagpaalam na ako sa kanila and said my remarks unto them.

Hinawakan ko ang doorknob palabas and went out sa backroom.

Diretso akong naglakad palabas, my hands playing with the straps of my bag. I kept biting my lips.

Hindi ako tumitingin sa customer namin, at the moment.

"Luna!" Biglang may tumawag sa akin, one step away from the exit.

Tumingin ako sa tumawag.

Nanlaki ang mata ko nung nakilala ko ito.

"Sol," I whispered.

I used my hands to try to iron my hair tapos ay naglabas ng ngiti sa kaniya and then walked his way.

"Uhm, andito ka pala. Wait lang," sabi ko.

Agad akong pumunta sa may counter tapos sinabihan ang isang staff ko na bigyan kami ng kape at pastry sa table ni Sol.

"Ay, si Engineer Sol, pala yun. Sige po, Ma'am. Alam ko po usual order niya," he casually let out.

Ngayon naman, my ironed forehead became wrinkled.

"Kilala? Paano?" Tanong ko, curious at his answer.

"Regular customer po kasi yan si Sir. 'Tsaka mabait po. Palagi kaming kinakausap. Nagulat na nga lang kami nung sabihin niya sa amin na siya pala ang engineer na gumawa nitong cafe eh." Natatawa niyang sabi.

Tumango lamang ako.

Binalikan ko ang table for two ni Sol at umupo sa harap niya. He looked at me and I looked at my hands na nasa taas ng table. Nilaro ko ito.

Tumikhim siya. "Close mo pala mga staffs dito?" Tanong niya.

I had to look. Tumango ako. "Hmm, yeah. Of course, kailangan ko malaman who maintains my cafe, when I'm away."

Kita ko ang paglaki ng mata niya sa sinabi ko. Ang mukha niya ay hinahalikan ngayon ng kamay ng araw.

Bagay sa kaniya ang sunlight.

It totals with his smile.

Along with his vibes.

"Sayo 'to?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes?" Nagtatakang tanong ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang bibig. "What?" Astonishment. Yun ang nasa boses niya.

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now