9

50 14 2
                                    

July 25, 2003

Nagising na lamang ako dahil biglang may kumakalabog sa akin na parang nasa loob ako ng mundo at ang lindol nila ay napakalakas.

Habang ang siren naman nila ay ang maingay na bunganga ng kaibigan ko na sigaw nang sigaw sa tenga ko.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kaniya at agad na bumangon.

Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa kaniya na ngayon ay nakaatras na ang mga paa at sobrang layo na niya sa tenga ko habang nanlalaki ang mga mata na naman.

Pansin ko rin ang mahigpit na hawak niya sa mamahalin niyang bag.

"Sorry..." mababa ang boses na sabi ko at kinusot ang mata.

Napakagat ako sa labi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Tumayo na ako at inayos ang aking kama.

Ang kobre ay inayos habang ang unan ay nilagay sa taas, at tahimik na ginawa ito dahil alam ko na natakot ko na naman si Anne.

Luna... kakabati niyo lang...

Pero heto na naman ako at humihinga ng rason para layuan na naman ako tapos ako ay mapupunta sa isang bula na kung saan ay palagi kong ituturo ang tao sa salamin dahil sa kasalanan na siya ang gumawa.

Dahil sa isang bagay na hindi niya kayang kontrolin at sinisira ang buhay niya sa bawat labas nito sa loob ko.

"Luna! Why are you taking so long?! Nasa baba lang sila, Timothee! Hinihintay ka nila, my gosh!" Sunod-sunod na sabi niya kaya siningkit ko muna ang mata ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya sa akin.

Hanggang sa may sumipa sa aking ulo at nawala ang kaantukan ko.

Nalaman ko na rin ang gusto niyang sabihin kaya naman agad akong pumunta sa bintana sa aking kuwarto at sumilip doon.

Nadatnan ko sila Timothee at Forsythe na nag-aasaran sa labas habang si Forsythia ay nakasandal lamang sa hood ng kotse.

Pwede na ba silang mag-drive?! Bakit sila may kotse?!

Agad kong kinuha ang tuwalya ko nang mapunta ang ulo ni Forsythia sa direksiyon ko na parang alam niyang andito ako sa taas.

Naglakad na ako papunta sa banyo ko habang ang aking musika ay ang pagtawa ni Anne sa aking pagkataranta.

Malakas ata ang tama ng mga kaibigan ni Anne dahil walang pasok ngayon pero kailangan mo gumising ng maaga dahil may gusto silang pupuntahan.

Hindi ko nga alam kung saan iyon 'e.

Hindi ko nga alam kung bakit nila ako isasama 'e hindi naman kami close ng mga 'yun.

Hindi ko nga alam kung papayagan ako 'e.

Lumabas na ako sa banyo ko at nadatnan ko si Anne na wala na sa kuwarto.

Kumuha ako ng pantalon na simple lamang at t-shirt na kumikinang sa kulay ngunit hindi masyado na hindi na siya kaaya-aya tignan.

Bumaba na ako pagkatapos ko ilagay sa aking maliit na bag ang mga simple kong kailangan.

"Ma, aalis kami ni Anne!" Paalam ko sa kaniya habang pababa.

Tale Of A MoonOnde histórias criam vida. Descubra agora