19

31 11 0
                                    

February 10, 2004



Inikot ko ang tingin ko sa harap ng clothing boutique na pinuntahan namin.

Dito na lang daw kami bumili ng gamit kasi kilala ng Dad ni Anne ang may-ari nito at bibigyan kami ng discount.

Isang french na word ang pangalan nung boutique na hindi ko na inalam kung ano ang ibig-sabihin o kung paano ito bigkasin gamit ang aking dila.

Narinig ko ang mahinang bulong ni Forsythia sa akin.

Binasa niya ang pangalan pero hindi ko pa rin ito naintindihan.

Nakakagulat talaga ang babaeng ito. Alam ko na medyo nerd siya at mahilig sa libro pero hindi ko naman aakalain na marunong siyang magbasa at magsalita ng ibang lenggwahe.

Tapos ang ganda niya pa.

Naglakad ako papasok hawak ang kaisipan na kung sino man ang makakuha kay Forsythia ay siguradong sobrang swerte na sa buhay nila.

Pumasok na kaming tatlo sa loob at bumungad sa amin ang pakiramdam na lahat ay sobrang mahal. O sa akin lamang bumuga ang hangin na 'yun kasi ang dalawa kong kasama ay sobrang yaman.

Si Anne ay agad nang lumapit sa mga racks ng damit habang ako naman ay tahimik na sumunod sa kaniya.

Si Forsythia ay kinausap ang babaeng nakasuot ng skirt at puting longsleeve, na uniporme nila.

Tinignan ko ang mga damit na pinipili ni Anne. Puro sexy silang lahat.

Iniwas ko ang tingin ko at napagdesisyunan na ilagay na lamang ang ilong ko kung saan ito nararapat.

Naghanap ako ng damit na naitatago ang mga sikreto ko pero maganda pa rin ang sukat sa akin.

Kulay berde siya na may kaunting kinang at sabi ni Anne ay a-line dress daw ito. May ribbon siya sa bewang ko habang ang straps ay maninipis na halos isipin mo na na wala itong straps. 

Habang si Forsythia naman ay pumili ng pula na sheath dress type -- sabi rin ni Anne.

Para siyang suot ng mga babaeng nasa loob ng pelikula habang nakikipag-dinner date.

Simple lang ang suot niya kasi wala naman daw siyang date at pupunta lamang dahil isa siya sa mga event coordinator na estudyante.

Si Anne naman ay pumili ng ballgown na ang kulay ay itim pero punong-puno ito ng mga glitter na tila siya ay isang madilim na gabi ng biniyayaan ng madaming tala.

Ang ganda niya sa napili niyang damit. Suwerte siya sa date niya, malamang.

Tumingin ako sa senaryong dumadaan sa aking mata habang tumatawid kami sa iab't-ibang daan sa loob ng kotse nina Anne.

Ano kaya ang reaksiyon ni Alex kapag makita niya akong nakasuot nito?

Baka naman mamaya ay ayaw niya sa suot ko kaso hindi ko bagay.

Mamaya ay ititigil niya na ang panliligaw niya sa akin kasi ay ang pangit ko. 

Pero... pakiramdam ko... hindi naman ganiyan kababaw si Alex. 'Di ba?

Tale Of A MoonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora