46

1 1 0
                                    

2009


Nilublob ko ang paa ko sa pool. The blue color of the water became distorted as I wore my glasses.

Mataas kasi ang araw ngayon pero heto ako ngayon at nasa pool.

Nilaro ko ang paa ko sa tubig, contemplating if I should go to swim or just stay here and play with the water. Nakasuot naman na ako ng pang-swimming.

"Ano ba iniisip mo, anak? Parang ang lalim."

Tumingin ako kay Mama at nakita ko siyang may dala na turon.

I stood up from my position and went next to her. Kinuha ko yung isa and ate it.

Palagi niya akong ginagawan ng ganito, ever since nakauwi ako. Palagi ko rin namang kinakain. Kasi for sure hahanap-hanapin ko ito kapag nasa New York na naman ako.

"Ma, paturo nga paano 'to iluto. Ma-mi-miss ko ito kapag umalis na naman ako eh," sabi ko and dusted my fingers from the left over crumbs of the wrapper tapos kumuha ulit.

Lumabas ang ngiti niya. "Bakit naman kasi, ayaw mo pumalagi na lang dito? Maghanap ng mapapangasawa tapos gumawa ng pamilya rito."

Kinuha ko ang namamawis na tubig, the ice cooling my fingertips with just a touch. Pagkatapos ko uminom ay agad akong napangiwi sa sinabi niya.

Me? Marrying?

Never.

Unless it was -- Stop.

I stopped myself before going on to a part I don't want. I stopped before I could do something that would harm myself again.

"Okay na ako sa New York, Ma." Yan na lang ang sinagot ko sa kaniya.

Baka kapag mas lalo itong humaba, mas lalong ayaw ko ang pupuntahan ng kwento.

"Sige na, anak. Retohan kita." Mapilit siya.

Ang mata ko ay napunta sa kaniya dahil hinawakan niya ang kamay ko, para bang natutuwa at hindi makapaghintay na mag-asawa na ako.

Tumawa na lang ako pakunwari tapos ay umiling. "Kung ano-ano sinasabi mo, Ma."

"Sige na anak," pagkumbinsi niya sa akin. Ang kulit niya talaga. "May kilala ako..." Nang-aasar niyang sabi sa akin.

"Sino naman?" Tanong ko, sinasakyan na lang ang trip niya because I know she would never stop.

"Gwapo siya, mabait pa tapos may trabaho."

"Sino naman yan?"

"Imposibleng hindi mo kilala, 'nak."

Nakuha niya ang atensiyon ko dahil sa sinabi niyang yun.

"Huh? Eh kayo-kayo lang naman ang nakakausap ko, Ma. Hindi naman ako lumalabas and I'm not socializing that much." Naguguluhan na ako ngayon.

"Wag mo na itago kay Mama, 'nak. Kilala ko naman yun. Si Engineer!"

Nanlaki na ang mata ko dahil sa sinabi niya. Naubo mo ang iniinom ko na tubig dahil sa pagkabigla.

"Narinig ko pa ngang niyaya ka niya para makipag-date!"

"Saan mo yan nakuha?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Frenny ko kaya ang mga nasa cafe, 'nak. Pati na rin si Engineer." Kinikilig niyang sinabi yung salitang engineer.

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now