25

27 10 1
                                    

March 6, 2004



"Love, gusto raw ni Dad na pumunta tayo sa bahay kasi gusto ka niya makilala."

"Love? Tatay mo gusto ako makilala?"

Kailan ba namin napag-usapan na ang tawagan namin? At ano raw?

Gusto ako makilala ng Dad niya?

"Oo... Mom invited us. But it's fine if you don't want it. Because you know... he can be... he can be cruel," aniya habang malalim ang tingin sa mata ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya tapos ay kinunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa anyaya niya o hindi kasi alam ko naman ang karanasan at nakaraan ni Alex sa kaniya.

"Ikaw ba? Gusto mo bang pumunta tayong dalawa?" Tinanong ko siya pabalik at tinagpo muli ang kaniyang mata.

Siya naman ang nag-iwas ng tingin sa akin. "Gusto mo ba ng honest answer?"

"Both. Gusto ko 'yung sasabihin mo sana at 'yung totoo."

"Okay... I was gonna lie to you and say... 'Wag na tayo pumunta kasi alam ko ang ugali niya and it won't be good for you to be at the receiving end. But the child in me, wants his approval at gusto pumunta sa kaniya."

Kinagat ko ang labi ko tapos ay hinawakan ang daliri niyang nasa taas lamang ng lamesa namin.

Napakunot na rin ang noo ko sa kaguluhan sa dalawang pagpipilian ko.

"Kailan ba?"

"Sa Saturday pa naman. So you have three days to think."

Bumalik ang mga mata ko sa kaniya tapos ay tinango ang ulo.

Siya naman ay naglabas ng isang ngiti sa akin tapos ay hinawakan pabalik ang aking mga daliri at kami na ngayon ay magkadugtong.

Tumingin ako sa labas ng bahay na ngayon ay unti-unting lumalabas na sa paningin ko.

Kanina ko pa 'to hinahanap simula nung pumasok kami sa sobrang taas na gate at halos isang buong gubat ang dinaanan namin bago marating ang bahay na 'to.

Hindi sinabi sa akin ni Alex na ganito pala sila kayaman.

Sobrang laki ng bahay nila.

Hindi ko nga alam kung ito ba ay masasabi mong bahay para siyang hotel--hindi, mansiyon siya.

Mansiyon!

Nakatira si Alex sa mansiyon.

Iniwas ko ang tingin ko sa harap ko tapos ay tumingin sa harap kung na saan si Alex.

Nilakihan ko ang mata niya dahil hindi niya sinasabi sa akin ang bagay na 'to.

Ang sagot niya lang sa akin ay ang pagkamot ng ulo.

Hindi ko siya katabi kasi kasama namin ngayon ang Mama niya na ngayon ay nasa tabi ko.

Sobrang bait ng Mama niya.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon