16

28 11 3
                                    

January 4, 2004



Nanlaki ang mata ko nang marinig ang kaniyang boses sa pagitan namin ni Anne.

Parang ang dapa-dapa niyang salita sa akin ay humawak sa aking lalamunan at hindi ako makahinga.

Parang naging pambura ang tanong niya sa aking isip na nawala ito ng kaisipan bukod sa sinasabi sa akin nito na kailangan ko tumakbo.

Kailangan ko tumakbo.

Dapat ay tumakbo ako.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Ang puso at ang tunog nito ay halos kainin na ako.

Naiipit na rin ang paghinga ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko.

Pinipiga ang lungs ko para may lumabas na hangin.

"Ano, uh," mahina at hindi alam ang susunod na sasabihin ko, "Aalis na ako. Oo, aalis na ako. Tumawag-tumawag sa akin si Mama. Kanina pa." Hinihingal ang boses ko.

Putol-putol.

Nadadapa sila sa bawat kaisipan na dumadaloy sa isip ko.

Hinawi ko ang kumpol ng tao sa aking kaisipan kahit na si Alex lang naman 'yun na nakatulala lang sa aking dating pwesto.

Siya ay nabangga ko rin.

May sinasabi sila.

Rinig ko ang boses ng iba naming kaibigan.

Pero parang naging bubuyog lamang sila na panggulo sa akin.

Ang boses ay naging matinis at naging lamok sa isang nakakabahong lugar.

Kinuha ko na ang bag ko.Tumakbo papunta sa pinto. Sinuot ang sapatos. Masyadong magulo ang mundo na hindi ko na alam kung ang kanang sapatos ay nasa kanan o kung ang kaliwa ay nasa kanan. Basta ay sinuot ko na lamang ito at agad na tumakbo palabas.

Palayo.

Lalayo paalis sa bahay nina Anne.

"Luna! Teka!"

Napahinto ako sa pagtakbo.

Nakakaisang bahay pa lamang ako ng hakbang palayo sa kanila.

Bakit kasi ang lalaki ng mga bahay dito?!

Ramdam ko tuloy na tila walang kwenta ang pagtakbo ko.

Sumulyap ako kay Alex na ngayon parang isang makinang na bola.

Pansin ko na ang kaniyang lakad ay lumalapit nang lumalapit sa akin.

Sa mahahaba niya ba namang binti at nagmamadali niyang paa, sigurado akong makukuha niya ang harap ko.

Bago pa man niya ako maabutan ay naglakad takbo na ako palayo sa kaniya.

Palayo sa nakakaantig niyang mukha.

Palayo sa mga salita na ramdam ko sa kaniyang bawat hakbang.

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now