Epilogue

380 6 4
                                    

EPILOGUE

Deity's POV

KINABUKASAN ay maaga kaming gumayak para umuwi na. Kumain lang kami sandali at nagpaalam na rin kami sa Tita ni Phytos. Mage-eight o'clock na nang makasakay kami sa terminal.

Hindi ko na naramdaman ang paglipas ng oras habang nasa biyahe kami dahil natulog ako. Nagising na lamang ako nang bababa na kami ng bus. Pagkababa namin ay sumakay na kami agad ng aircon Taxi. Feeling ko talaga pagod na pagod ako kaya muli akong natulog.

Few hours later...

"Wake up, my princess."

Unti-unti kong iginalaw ang ulo ko. "Hmm..."

"Nandito na tayo."

I opened my eyes and his face greeted me. "Nasa bahay na ba tayo?" tanong ko.

He shooked his head and then grinned. "Uh, wala pa. Nandito pa tayo sa loob ng taxi."

Napa-ngiti ako sa ka-pilosopohan niya. Teka, ako lang yata ang ngumi-ngiti kapag pini-pilosopo? Ang weird ko na yata. "Okay, tara nang bumaba."

Nagbayad muna siya sa driver and then we went off. Home sweet home! Isang araw lang pero parang miss na miss ko na agad ang bahay. Sinalubong kami ni Mommy sa pinto. "How's Tagaytay?"

I gave her a smile. "Masaya."

"Really? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Mommy, napagod lang ako. Ang saya nga, eh. First time kong sumakay sa kabayo at pati na sa sky ranch!"

"Well, it's about time to rest. Kumain na lang kayo pag nagugutom na kayo. May pagkain sa ref."

I went straight to my room and Phytos also did. Diretso na rin siya sa kuwarto niya. Ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama the moment na nakapasok ako sa room ko. Pero ilang segundo pa lang akong nakahiga nang may kumatok sa pinto. Dahil sa tinatamad na akong bumangon, hinayaan ko na lamang na magpatuloy sa pagkatok ang kumakatok.

Sasagot sana ko ng 'Who's there?' nang biglang...

"Opeeen... sesameee!" At booogsh! Bumukas ang pinto at pumasok si Patch.

What the fudge?! Guguluhin niya ba ang pananahimik ko? I sighed.

"Deity! Grabe ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na pumunta pala kayo sa Tagaytay. Nakakainis ka!" sabi niya sabay irap at halukipkip.

Seriously? She just barged all the way here in my room just to throw those words to my face? "P-Patch, please? I'm tired."

"Tired tired ka diyan! Nag-tiredgaytay kasi kayo at hindi niyo pa ko sinama! Hmp!"

Kahit kailan talaga, waley ang babaeng 'to. Imbes na mainis, matatawa ka pa sa kanya. "Patch, pumunta ka ba rito para lang magbigay ng mga baduy na lines mo?"

"Hindi. Pumunta ako rito para... Okay, rephrase that. Sumugod ako rito para tanungin ka kung bakit 'di mo ko sinama sa Tagaytay Trip niyo!"

I sighed. "Ano ka ba? Biglaan lang 'yon, 'no?"

"Kahit na nga ba biglaan, eh. Hindi mo lang talaga ko naalala. Nakakatampo ka na, ha." At nakita ko ang OA na ekspresyon sa mukha niya pati na rin ang OA na pout niya.

Deep inside, I want to laugh out loud. But instead, bumangon ako at sinagot siya. "Okay, sorry ha? Sorry. Nakalimutan kitang yayain."

"Best, ha. Nakakatampo na talaga. Nakakalimutan mo na ko. Pero kahit na nagtatampo ako, masaya pa rin ako deep inside para sa'yo." And she smiled. "Masaya ako kasi masaya ka na kay Phytos."

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now