Chapter Fourteen

5.7K 60 56
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Deity’s POV

THE next few days, nasa bahay lang ako. Kung hindi ako nakakulong sa kwarto ko, nasa sala lang ako at nanonood ng mga TV series—Gossip Girl at What Lies Beneath ang pinanonood ko lately. ‘Yan lang ang pinagkakaabalahan ako. Hay, ang boring ng summer ko. Tambay tambay lang sa bahay. Mabuti pa ‘yung iba diyan nasa Baguio na. O kaya naman nasa Tagaytay at Boracay. Enjoy na enjoy nila ang summer vacation.

No choice of what to do, I just grabbed my laptop and I turned it on. Internet lang naman ang puwede kong pagkaabalahan sa mga oras na ‘to, eh. ‘Yun lang naman ang solusyon sa nababato kong pagkatao.

I opened my Facebook account. Nagbasa ako ng News Feed. Mayamaya, nakita kong online din sa Facebook Chat si Patch. I-message ko nga siya.

Deity Ellerie Felipe: Hey Patch!

Patch Trinidad messaged you.

Binuksan ko ang message niya. Ang bilis niya naman mag-reply.

Patch Trinidad: Mabuti naman at nag-online ka. May ipapapanood ako sa’yong video. Click mo lang ‘yung link na isesend ko ha?

Deity Ellerie Felipe: Ano’ng video? Sige Patch, send mo ‘yung link!

Sound exciting! Ano naman kayang video ‘yung sinasabi nitong babaeng ‘to? Hinintay ko ang reply niya at nakita ko nga ang link na sinasabi niya. I quickly click the link and I was redirected to Youtube.com. I guess ka-ekekan na video lang ‘to na ginawa ni Patch. O baka naman scandal! Oh my Lord! ‘Wag naman po sana.

Everybody’s laughing in my mind
Rumors spreading ‘bout this other guy
Do you do what you did when you
Did with me?
Does he love you the way I can?
Did you forget all the plans
That you made with me?
‘Cause baby I didn’t

Nag-play ang video. Bumungad ang isang napakagandang garden. Merong mga upuan at meron ding aisle. Ang ganda ng setting. Teka, parang... parang may kasalang magaganap dito? Garden wedding? Tama kaya ako? Few seconds later, meron ng mga tao. Mga nakaupo ang lahat sa mga upuan sa magkabilang panig. Isang pari ang lumitaw sa isang maliit na altar sa may dulo ng aisle. Malapit naman sa altar ang isang lalaking nakatayo at naghihintay sa pagdating ng kanyang bride.

Processing...
Processing...
Processing...

I felt hot liquids rolling down my face. Napatulala ako nang mag-zoom ang camera at nakita ko ng malapitan ang mukha ng lalaking groom — si Tyron. Fuck, this is greater than what I used to think. Akala ko kung ano lang ang video na ‘to. Video na pala ‘to ng kasal nina Tyron at Nestly na ginanap last week.

That should be me
Holdin’ your hand
That should be me
Makin’ you laugh
That should be me
This is so sad
That should be me
That should be me

I grimaced. Ang sakit palang mapanood na ikinakasal ang lalaking mahal mo sa babaeng umagaw sa kanya sa’yo. Kahit tumutulo ang luha ko, patuloy pa rin ako sa panonood. Ewan ko ba. Nasasaktan na nga ako pero parang gusto ko pa rin mapanood. Umikot ang camera at napunta ang focus kay Nestly na nakangiti at nagsisimula nang lumakad sa aisle. She’s like a princess in her long white wedding gown, I admit it.

That should be me
Feelin’ your kiss
That should be me
Buyin’ you gifts
This is so wrong,
I can’t go on
Till you believe that
That should be me

Habang naglalakad siya, nakatingin lang sa kanya lahat ng tao. Nang mag-zoom ulit ang camera, nakita ko ang mga magulang ni Tyron. Sina Tita Thess. My gosh! Pumayag rin agad sila na si Nestly ang mapapakasalan ni Tyron?

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz