Chapter Twelve

3.5K 64 11
                                    

CHAPTER TWELVE

Phytos' POV

PUMASOK na sa loob si Deity at ako naman ay naiwan lang na nakaupo dito sa malapit sa pintuan. Kadadating niya lang. Hinintay ko talaga siya kahit gabi na. Siguro nga doon siya galing sa bahay nila Patch.

Wala na rin naman akong gagawin at hihintayin, tumayo na ako at sinundan siya. Nakita kong sarado na ang pinto ng kuwarto niya. Pero nang hawakan ko ang door knob, hindi naman pala 'to naka-lock. Nakalimutan niya na siguro. Dahan-dahan ko itong pinihit at binuksan. Kaunting space lang, 'yung sapat lang para makasilip ako at makita ang ginagawa niya.

At nang sumilip nga ako, nakita kong ginagawa niya ang bagay na alam kong gagawin niya ngayong mga oras na 'to - ang pag-iyak.

Umiiyak ka na naman
Langya talaga, wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sa'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

Umiiyak na naman siya. Kahit hindi niya man sabihin at kahit hindi ko man tanungin, alam ko na kung sino ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Sino pa? Si Tyron. Si Tyron lang naman ang nag-iisang dahilan kung bakit lagi siyang umiiyak, eh.

May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo d'yan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka

Wala nang ibang alam si Tyron kundi ang paiyakin siya. Kung ako lang siguro, hinding-hindi ko siya paiiyakin.

Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y nag-kasama
Iilangulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Alam niya ba yung halaga mo? Kung mahalaga ka talaga sa kanya, hindi siya gagawa ng rason para umiyak ka... para masaktan ka...

Hindi na dapat pag-usapan pa
Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
Sa mga payo kong 'di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin

Ayoko nang isipin pa
'Di ko alam ba't 'di mo makayanan na iwanan siya
Ang dami-dami naman diyang iba
'Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmamahal sa'yo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Nandito pa naman kasi ako. Naghihintay lang na mapansin at mahalin mo.

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siya'y pinapangarap ko

Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y nag-kasama
Iilangulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Hindi lang talaga alam ni Tyron ang tunay niyang halaga. Dahil kung pinahahalagahan niya si Deity, hindi niya 'to iiwan.

Kung ako lang sana si Tyron, hindi ko iniwan si Deity. Ang tanga naman kasi no'ng lalaking 'yun.

Tinignan ko si Deity habang nakaupo sa gilid ng kama at umiiyak. Gusto ko sanang lumapit para patahanin siya o kaya naman eh bigyan ng panyo kaso hindi pupuwede. Dahan-dahan ko na lang isinara ang pinto at umalis.

Deity's POV

Few days later...

NGAYON ang araw ng kasal nina Tyron at Nestly. Ugh! Ang sakit isipin na ikakasal na sila. Ang sakit isipin na ikakasal sa babaeng 'yun si Tyron.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now