Chapter Nine

214 7 5
                                    

CHAPTER NINE

Deity’s POV

“PUWEDE ka nang umalis.” Nilingon ko si Phytos na kasalukuyang nakaupo sa sofa. “Naibigay na sa’yo ni Patch ang pera, hindi ba?”

Tumango lang siya. “Oo, naibigay na nga niya. Pero hindi pa ko aalis dito.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “What? What’s worth staying for? Dahil ba malaki ang binigay ko sayo’ng pera at nakokonsensiya ka na umalis agad dahil ang ginawa mo lang naman ay magkunwaring groom ko noong kasal?” I smirked. “You can go home now. Okay lang sa akin iyon, okay lang sa akin na binayaran kita kahit ang ginawa mo lang ay magkunwaring groom ko. That’s a very big help to me, alam mo yan.”

“Hindi naman yun eh. Kailangan ko lang mag-stay dito para sa’yo. Ano na lang ang sasabihin ng Mommy at Daddy mo pag bigla akong nawala? Pag biglang nawala ang asawa mo? Oo, let’s say na hindi mo talaga ako asawa. Pero di ba magtataka pa rin sila?”

Okay, may point siya. I sighed. “Okay. Stay if you want.”

Biglang dumating si Mommy. “Oh, mukhang nag-uusap kayo, ah. About future plans? Hay naku, you better go out. Maglibot kayo, mag-mall, or anything na puwede ninyong pagkaabalahan. Hindi magandang nasa bahay lang ngayong summer. Masyadong mainit kahit may aircon.”

“Mommy, no—”

“Deity, no buts. Mas mabuting lumalabas kayo. Go and change what you are wearing. Ikaw din, Phytos.”

Hay, grabe. Pati si Mommy may kung anu-anong nalalaman. Tss. I have no choice but to went to my room and change my clothes. First day namin ngayon ni Phytos na magkasama. First day bilang mag-asawa. Gosh, ang weird pakinggan. Sabagay, we’re not a real couple. Ginamit ko lang naman siya, eh. Pero mapapatagal pa yata ang pagsasama namin dito sa bahay. Katulad nang sinabi niya, ano na lang sasabihin nina Daddy pag bigla siyang nawala rito? Hay, akala ko pa naman mawawala na siya right after the wedding.

I can’t really imagine what was happening. Ang ex-boyfriend ko ay naging asawa ko, or should I say, pekeng asawa ko? Not in my wildest dreams na nakita ko si Phytos biglang ganito, bilang asawa ko kahit na nga ba peke lang.

“Nakahanda na yung kotse,” sabi niya sabay katok sa pinto ng kuwarto ko.

“Sige, susunod na ko.”

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto. I hurriedly went out of the house and immediately hopped inside the car. I guess walang mangyayari sa lakad na to.

Few minutes later, nasa mall na kami. Sa Jollibee kami dumiretso. Siyempre kumain kami. Pagkatapos noon, wala na kaming ginawa. Tumambay lang kami sa harap ng Tom’s World at nanood ng nagkuwa-Quantum Dance. Gusto ko nga sanang i-try kaso parang wala akong gana. Ewan ko ba pero parang mas feel ko kapag si Tyron ang kasama ko. Kapag si Phytos kasi, hmm, never mind.

Kinalabit ko si Phytos. “Samahan mo ko sa Red Ribbon. Bibili ko ng cake,” I said then started walking. Nakita ko naman na sumunod siya.

Pagdating namin sa Red Ribbon, agad kong hinanap yung favorite kong Black Forest Cake. Hay, natatakam na ko sa mga cake. Parang ang tagal ko nang hindi nakakain ng ganito.

Kinuha ko yung isang buo at binayaran sa cashier. “Here,” I said then handed her my shiny credit card.

After the transaction, kinuha ko na ang credit card ko at niyaya ko na si Phytos habang bitbit ko ang cake.

Habang naglalakad palabas ng Red Ribbon, I caught sight of two familiar faces. Automatic akong napahinto sa paglalakad; pati si Phytos napahinto at pati na rin sila ay napahinto sa puwesto nila — si Tyron at si Nestly.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن