Chapter Thirteen

4.9K 78 23
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Deity’s POV

Kinakabahan.

‘Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Papunta na kasi kami ni Phytos sa bahay nila. Kasalukuyan kaming nasa biyahe and damn, hindi talaga ako mapakali. Hindi ako comfortable dito sa kotse. Ang weird pa ng pakiramdam ko. Parang gusto ko nang makarating kami agad sa bahay nila para matapos na ang dinner o kaya naman eh umuwi na at ‘wag nang tumuloy.

Tumingin ako sa cellphone ko. Five minutes before six o’clock. “Malayo pa ba?” tanong ko kay Phytos na kasalukuyang nagda-drive. Nasa driver’s seat, of course, at nasa tabi niya lang ako.

“Malapit na.”

I pouted. “Ows? Sigurado ka?”

“Oo nga. Malapit na. Isang liko na lang. Para naman kasing hindi ka pa nakapunta sa bahay namin. ‘Di ba dati napunta ka na doon noong...” Napahinto siya. Hindi niya masabi kung kailan ‘yun. Noong third year high school kami ‘yun — noong panahong naging kami at niyayaya niya kong pumunta sa bahay nila. In fact, alam ko pa naman talaga ‘yung bahay nila. Hindi ko na lang ma-recall ‘yung mga street dahil madilim na. Magsi-six na rin kasi.

“No’ng? No’ng third year high school tayo?”

Nakita kong dahan-dahan siyang tumango. “Oo.”

Lumiko na ang sasakyan namin. Zulueta Avenue na. Nakita ko na ‘yung kanto na dati ay maraming tindang street foods — may kwek kwek, kikiam, fishball, squidball, betamax at adidas. Dito ‘yung kanto kung saan tumatambay kami noon ni Phytos para kumain ng mga ganyang pagkain kapag papauwi na kami galing sa bahay nila. Suddenly, I felt nostalgias. Naaalala ko tuloy ‘yung mga panahon na ‘yun.

“Natahimik ka? Naaalala mo na ‘tong lugar na ‘to?” tanong ni Phytos.

I nodded as I forced to curve a smile on my lips. “Oo.”

“Akala ko nakalimutan mo na talaga,” sabi niya.

Katahimikan. Hindi na ko sumagot at binalot na kami ng silence. Mayamaya, nadaanan namin ang isang park — ‘yung park na sobrang dami rin memories naming dalawa noong kami pa. Doon kami sa park na ‘yun madalas huma-hang out after school lalo na ‘pag galing kami sa bahay nila. Minsan nagpapagabi pa kami doon para mag-abang sa langit ng falling star.

Ano ba ‘yan? Seems like I want to reminisce everything from the past.

Naramdaman kong huminto na ang car. The next thing I knew, pinapagbuksan na ko ni Phytos ng pinto. Heaving out a deep breath, bumaba na ko ng kotse. Nandito na pala kami sa bahay nila. Naku, ayan na. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

My gosh, sana naman maging okay lang ang lahat.

Binuksan niya ang gate nila. “Tara na. Pasok na tayo?”

“T-Tara.”

Kabang-kaba ako nang pumasok na kami ng gate. At mas lalo pa kong kinabahan nang pumasok na kami ng bahay. God, sana po maging maayos ang magaganap na dinner namin. Amen.

Dire-diretso kami sa dining room nila. In all fairness ha, parang wala rin nagbago sa bahay nila. It was still the same. What I mean is that, parang hindi nagbago para sa akin. It is still the air when Phytos and I were still together. Noong mga panahong pumupunta-punta pa kami rito.

Naabutan namin sa dining room ang Mama at Papa ni Phytos na nasa table na. Nang nakita nila kaming dumating, napatayo silang dalawa. “I’m glad dahil nakarating kayo,” Phytos’ mother flashed a smiled.

Lumapit agad ako sa kanya. “Good evening po, Mama.” And I kissed her cheak.

Lumapit din ako sa Papa ni Phytos. “Good evening po, Papa.”

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon