Chapter Four

5.7K 76 9
                                    

CHAPTER FOUR

Tyron’s POV

Saturday morning came. Nagising ako dahil sa ingay ng nagriring kong cellphone. Kahit nakapikit, tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at kinapa ko ang cellphone ko sa side table.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko para lang makita sa screen ng phone ko kung sino ang tumatawag.

Calling...

Deity

Bakit kaya tumatawag to? Ang aga aga naman.

“Hello?”

“Hello. Good morning! May sasabihin lang ako, Tyron,” sabi niya.

Naghigab ako bago sumagot. “Ano yun?”

“Mamayang 8 PM na ang engagement party natin. Dito sa bahay namin. Pumunta ka ng maaga ha? At oo nga pala, nasabi na pala nina Mommy sa Mama mo. Pupunta rin sila mamaya,” excited niyang sabi.

“Ah, oo. Sige. Teka, anong susuotin ko?” tanong ko.

Tumawa siya. “Ano ka ba? Bakit hindi mo alam? Formal dapat ang suotin mo.”

“Okay. Marami bang pupunta?”

“Yup. Magde-deliver na nga kami ni Patch ngayon ng mga invitations,” sagot niya.

“Ah, ganun ba. Bukas na ba ang kasal natin?” I asked.

“Oo. Ay, sige ha? Aalis na kami para magdeliver ng mga invitations. Before 8 o’clock pumunta ka na ha? Gotta go! Love you!”

“Sige, love you too.” I said then the line went dead.

“Hooo!” Bumangon ako mula sa kama. Sobrang bilis talaga. Hindi ko inakalang mapapabilis ang kasal namin ni Deity.

All of a sudden, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. “Anak! Tyron, gumising ka na diyan!”

“Ma! Gising na po ako.”

Biglang bumukas ang pinto. “Oh, gising ka na pala. Halika na, kumain ka na at aalis tayo. Bibili tayo ng susuotin mo mamaya para sa engagement party niyo ni Deity.”

Nasabi na nga talaga nila kay Mama at kay Papa. Ano kayang reaksiyon nila nang malaman nilang ikakasal na ko? Nabigla kaya sila?

Tumango ako. “Sige po.”

“Hay, hindi ko inakalang mapapaaga ang kasal ng Baby Boy ko,” sabi ni Mama habang ginugulo ang buhok ko.

“Ma!”

“Hay naku, halika na nga. Kumain ka na para makaalis na tayo.”

Lumabas na si Mama ng kwarto ko at sumunod na rin ako. Pagdating sa kusina, kumain na agad ako at pagkatapos ay naligo at gumayak. After few minutes, ready na kami para umalis. Kinuha ko na ang susi at inilabas ang kotse sa garage. At umalis na kami.

Minutes later, nasa isang fashion house na kami. Sabi kasi ni Mama dito na lang daw kami bumili kasi marami daw akong mapagpipilian dito at kaibigan niya raw ang may-ari.

“Thess? Is that you?” Isang babaeng mukhang kasing edad lang ni Mama ang dumating habang nakaupo kami sa may bench.

“Liberty? Naku, Mare. Long time, no see. Kamusta?” sabi ni Mama.

Ngumiti ito. “Eto, okay lang naman. What brings you here?” tanong nito.

Tinuro ako ni Mama. “Eto kasing anak ko, hahanapan ko ng susuotin.” Tumingin sa akin si Mama. “Come on, Tyron. Greet your Tita Liberty, classmates kami mula high school hanggang college.”

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now