Chapter One

11K 155 7
                                    

CHAPTER ONE

Deity’s POV

“Have you heard about the news?

“Anong news ba?”

“Yung tungkol ba sa marriage proposal ng boyfriend ni Ma’am Legaspi na tinanggihan niya?”

“Oh that! My gosh! Oo! And the worst thing daw ay napahiya yung boyfriend ni ma’am sa harap ng lahat ng freshmen!”

“Seriously? Hindi yan! Mga baliw! Outdated talaga kayo lagi!”

“E ano ba kasi yung news na sinasabi mo?”

"Okay, listen. Dumadalas na raw na nakikitang magkasama sina Tyron at Nestly. Si Tyron Agustin! Yung nanalong Mr. Business Administration last year! At si Nestly Ortiz, yung title holder ng Miss Nursing 2013? Madalas daw sila makitang magkasama. Sa library, sa cafeteria, everywhere!"

"Oh my gosh! Baka naman sila na!"

"Pero balita ko may girlfriend daw si Tyron eh."

"Baka naman hindi girlfriend. Baka fling lang. Or baka break na sila! Kasi si Nestly na lagi niyang kasama right? Ang sweet sweet nga nila together. Nakita ko silang dalawa nung sem opening ceremony."

Napahinto ako sa paglalakad sa hallway dahil sa mga narinig ko. Grabe! Grabe talaga ang chismis dito sa school. Parang technology sa bilis! Ang bilis bilis kumalat! Higit sa lahat, kumakalat kahit hindi totoo!

At grabe din yung bibig ng mga estudyante dito sa school ha! Ano bang napapala nila sa chismisan! Hindi ba pwedeng mag-aral na lang sila! Hindi naman sila magkakaron ng grade dahil sa chismisan ah. Magkakaron ba sila dun ng flat one!?

Akala mo mga perpekto, baka nga mga tres pa mga grades nila! Mga bwisit, sarap nila ihagis sa highway at ipasagasa sa ten wheeler truck.

Ah hindi, mas maganda kung ihagis sila sa kumukulong tubig.

GRRRRR!

Oo nga pala. Let me introduce myself!

My name is Deity Ellery Felipe, 16 years old and nag-aaral ako ngayon at St. Ralph Academy! First year college at Bachelor of Arts in Linguistics ang kinukuha ko.

Ano pa ba?

Ayun!

Meron akong boyfriend. Yiee. His name is Tyron. Nag-aaral din siya dito and Business Administration ang course na kinukuha niya.

Pang mayaman ang course niya diba?

Tigapagmana kasi siya ng family business nila! His family owns a manufacturing business.

And one more thing, siya yung tinutukoy ng mga chismosang estudyante kanina na akala mo naman eh mga kagandahan. Hay!!! If I know fake naman yung mga ginagamit nilang gucci bag. Wagas pa kung makapag make up pa. Wala namang effect. Si Belo na yata kailangan nila!

According sa usap usapan, lagi nga daw kasama ni Tyron si Nestly. Yung sikat na Nursing student. Kilala siya dito sa campus kasi malandi siya.

As in malandi talaga!!!

She's a bitch!

A relationship-wrecker! Mang-aagaw! Higad! Lahat na!

Marami rami na rin ang mga mag boyfriend-girlfriend dito sa school ang sinira at pinaghiwalay niya!

Oh diba ang kati! Taga Ayala yata siya.

At ngayon yung boyfriend ko naman ang nilalandi niya!

Hay, hindi pwede!

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon