Chapter Sixteen

918 12 20
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Deity’s POV

Hindi ko naramdam ang paglipas ng mga araw. Lagi lang akong nasa kuwarto ko at nagkukulong. Lalabas lang ako kapag kakain at maliligo. Mabuti na nga lang at hindi nagtataka sina Mommy, Daddy at Phytos. Ewan ko ba, simula kasi no’ng araw na huli kaming nagkita ni Tyron naging matamlay ako. Siguro hindi ko lang agad matanggap na wala na talaga. Ano ba ‘yan, Deity? Di ba no’ng hindi siya ang nakasama mo sa altar eh alam mo ng wala na talaga kayo? Ano pa’ng inaarte-arte mo diyan? Sigaw ng utak ko.

Siguro ang pinakamagandang gawin ko na lang ngayon ay ang mag-move on. Sabi nila, mahirap daw ang mag-move on at limumot pero sana makaya ko. Naniniwala naman ako sa sinasabi nilang “Time heals.” Dadating at dadating naman siguro sa point na kung saan, masasabi ko sa sarili ko na okay na ako.

Lumabas ako ng kuwarto ngayong umaga. I glanced at the wall clock—ten minutes before nine o’clock. Dire-diretso ako sa kusina. Katulad nang sinabi ko, ganito lang ako during the past days; lalabas kapag kakain o kaya naman ay maliligo.

At the kitchen, I prepared a glass of SwissMiss—ang favorite kong chocolate drink. Naghanda rin ako ng sandwich at toasted bread. Minsan kapag umaga, okay na ko sa ganyan lang. ‘Yan na ang tinatawag kong breakfast. Sanay na rin kasi ako na hindi kumakain ng kanin tuwing breakfast.

I was about to bite my sandwich when someone approaches. Napatingin ako sa kanya—si Phytos pala. I gave him a smile. “Sandwich? Gusto mo?” Pag-aalok ko.

“Ah, hindi na. Ngayon ka palang kakain?”

I nodded. “Oo. Hindi naman kasi ako gutom, no. Nabusog ako sa Black Forest cake na dala ni Patch kagabi.”

By the way, pumupunta naman si Patch dito sa bahay at dinadalaw ako—checking if I’m still breathing or not. Katulad nga kagabi, nagdala siya ng cake. Alam niya na rin ang nangyari noong nagkita kami ni Tyron for the last time. Siyempre, kinuwento ko sa kanya.

“Gano’n ba. Bakit namumugto ‘yang mga mata mo?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko at iniinspeksiyon ang mga ito.

Goodness! Screw this puffy eyes of mine! Nahalata niya palang mugto ang mga mata ko. Yumuko na lang ako at kunwaring hinalo ang SwissMiss ko. “Namumugto? Naku, ‘wag mo ‘tong pansinin, ‘no! Nasosobrahan lang yata ako sa tulog kaya ganito ito,” sagot ko at ngumiti sa kanya. Hashtag “Palusot.”

“Ah, okay.”

Phytos’ POV

Namumugto ang mga mata ni Deity. Sabi niya, sobra lang daw siguro siya sa tulog. Meron ba’ng gano’n? Namumugto ang mga mata dahil lang sa sobrang tulog? Weird.

Okay lang naman kasi kahit sabihin niya na lang na umiyak siya nang umiyak. Alam ko naman na gano’n ang nangyari, eh. At alam ko rin na si Tyron na naman ang dahilan. He’s one hell of a lucky guy. Balita ko kinasal na rin ‘yung isang iyon noong nakaraang linggo. Siguro iyon ang dahilan kung bakit umiiyak si Deity. Nahihirapan din siguro siyang tanggapin na ikinasal na si Tyron sa iba. Ewan ko nga ba kasi kung bakit naging ganito pa ka-komplikado ang lahat. Mabuti na lang ngayon at maayos na rin kami ni Deity.

Kamusta naman kami? Katulad nang sinabi ko, okay na kami. Maayos na ang pag-uusap namin at pati na rin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi katulad ng dati na cold treatment ang binibigay niya sa akin. ‘Yung feeling na parang ang layo layo namin sa isa’t isa pero magkasama lang naman kami sa iisang bahay? Ganyan dati ang nararamdaman ko. Pero ngayon, feeling ko bumalik na kami sa dati. Bumalik na siya sa Deity na nakilala ko few years ago.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now