Chapter Fifteen

2K 26 7
                                    

CHAPTER FIFTEEN

“T-TYRON?”

“Oo, ako nga. Ako nga ito,” sagot niya mula sa kabilang linya.

Hindi ako alam ang sasabihin ko… Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya… Ngayon ko na lang ulit siya naka-usap… “N-napatawag ka? Ano’ng kailangan mo?”

“Ah, wala naman. Kamusta na?”

“Kamusta? Ano ba ‘yang sinasabi mo, Tyron? May asawa ka na, ‘di ba? Dapat hindi ka na nakikipag-usap sa akin.” I felt like being cold. Oo, gusto ko siyang makausap, gusto kong maibalik ‘yung dating kami… Pero alam kong hindi puwede. Ako rin ang masasaktan kung aasa ako. Hindi naman na kasi talaga kami puwede. Parehas na kaming kasal, ‘di ba?

“Deity naman. ‘Wag ka namang ganyan. Alam mo namang ayokong nasasaktan ka, eh.”

“Ayaw mo kong nasasaktan?” I laughed sarcastically. “Seriously, Tyron? What the hell do you think you did and you’re doing? Hindi mo ba ko nasaktan at sinasaktan sa lagay na ‘yan?” Bitterness was mixed with my voice. Oo, mahal ko pa siya pero ngayon, galit ang nararamdaman ko.

I heard him sniffed. Umiiyak siya? “Pakinggan mo muna ko, please…” He uttered with a pleading voice.

Hindi ako nagsalita at hinintay ko na lang na siya ang magsalita. “Hindi ko naman gustong magpa-kasal kay Nestly. Alam mo naman na hindi siya ang gusto ko, ‘di ba? Ikaw ang mahal ko, eh. Sayo ko gustong magpa-kasal. Please, pakinggan mo muna ko… Pakinggan mo muna ang sasabihin ko…

“No’ng mga oras bago ang engagement party natin, niyaya akong uminom ni Nestly at ng mga barkada niya. Celebration daw para sa birthday niya. Ayoko ngang pumayag dahil alam kong engagement natin ng 8 o’clock. Pero wala akong nagawa kundi ang pumayag na sumama kasi sinabi niyang makakauwi naman daw ako bago mag-eight o’clock. At nang nando’n na kami, masyado akong nalibang. Hindi ko namalayang nalasing pala ko nang todo kaya hindi ako nakauwi. Hanggang kinabukasan ay nagising na lang akong…” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

“Nagising ka na lang na hubad ka na at katabi mo sa kama si Nestly?” Pagpapatuloy ko.

“Makinig ka muna, please…” He sniffed. “Hindi ko naman inakala na gano’n ang mangyayari. Sa tingin ko nga pinlano ni Nestly ang lahat ng iyon. Talagang nilasing niya ko para mawala ako sa tamang pag-iisip at magawa ang bagay na ‘di dapat gawin… at para hindi rin ako makapunta sa engagement party natin at sa kasal natin. Alam mo ba no’ng hindi ako naka-attend ng engagement party natin? Galit na galit ako no’n sa sarili ko. Alam ko kasing nasaktan kita, eh. Alam kong naiyak ka. Ayaw na ayaw kong nasasaktan at umiiyak ka dahil sa akin… dahil sa kung ano mang ginawa ko sa’yo.

“Pero mas lalo akong nagalit sa sarili ko noong hindi ako nakapunta sa kasal natin. Nainis ako no’ng dumating ako sa simbahan pero wala ng tao. Ayokong talagang saktan ka pero alam kong dahil do’n, nagawa kong saktan ka ng sobra.” Iyak siya nang iyak… Ngayon ko lang narinig na umiyak siya nang sobra sobra.

“T-tama na nga. Itigil mo na ‘to! Nangyari na ang mga nangyari, Tyron. Hindi na maibabalik pa,” malamig kong sabi sa kanya.

“Mahal kita, Deity. Alam mo naman ‘yan, ‘di ba? Ikaw pa rin naman ang gusto k—”

I cut off his sentence. “Puwede ba tigilan mo na ko, Tyron? Ayos na ko. Okay na ko ngayon kaya please, wag mo kong guluhin pa.”

I was about to hang up but then…

“Makipagkita ka muna sa ‘kin, please… Doon sa coffee shop malapit sa inyo, gusto lang kitang kausapin, please…” He said with a pleading voice.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now