Chapter Eighteen

218 7 5
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Deity’s POV

Tama pala ang madalas kong naririnig sa ibang tao — “Time flies when you are happy.” Sa mga nagdaang araw, sobrang saya namin ni Phytos kaya naman halos hindi ko na naramdaman ang paglipas nito. Parang kailan lang eh pumunta kami sa park at nag-food trip. Ano na nga’ng sumunod naming mga pinuntahan at ginawa? Pumunta kami sa Vigan. First time ko roon kaya nag-enjoy ako kahit na nga ba sumakit pa iyong tiyan ko. Nakakainis lang kasi sumabay pa talaga ang tiyan ko. Pumunta kami sa mga museums doon. Syempre hindi rin namin pinalampas ang pagkuha ng mga pictures sa Calle Crisologo!

Ngayon naman ay gumagayak na kami para sa pagpunta namin sa Tagaytay. Yeah, ngayon na kami magta-Tagaytay. Excited as I was, maaga akong gumising. Siyempre naman, bibiyahe pa kami.

Sky ranch… Horse back riding… Breathtaking sight of Taal Volcano… Thinking of that thoughts made me feel more excited.

Kinatok ko ang pinto ng kuwarto ni Phytos. “Ano? Ready ka na ba? Ang tagal ko nang naghihintay dito ha.”

“Nand’yan na po.” Narinig kong sagot niya mula sa loob at mayamaya lang, lumabas na nga siya wearing his sweet smile and drop dead gorgeous aura.

The moment I set my eyes on him, natulala ako. To say I was stunned was an understatement. Goodness, bakit ba kailangan laging gwapo ang hitsura niya kapag humaharap sa akin? Hindi ba puwedeng ‘wag na siyang magpa-pogi? Mas lalo kasi akong nai-inlove, eh.

“Uhm… Tara na ba?” Bigla niyang tanong.

I switched back to reality. “H-huh? A-ah, oo! Tara, tara na!” Ano ba ‘yan?! Ang gaga ko naman kasi at tumulala na ako sa harap niya. Kulang na lang tumulo ang laway ko.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng Taxi papuntang Coastal Mall sa Parañaque kung saan doon ulit kami sasakay papuntang Cavite. Oo, magco-commute lang kami ngayon. Ang sabi ko nga kay Phytos eh mag-kotse na lang kami hanggang do’n pero ayaw niya naman. Mas mag-eenjoy daw kami ‘pag nag-commute kami. Kainis nga, eh! Nakakapagod kaya kapag nag-commute.

Pagbaba namin ng Taxi, nagbayad si Phytos sa driver at pagkatapos ay pumunta na kami sa hilera ng mga bus papuntang Tagaytay. Luckily, may isang bus na papaalis na at may space pa para sa aming dalawa. Agad kaming sumakay at pagdating namin sa loob ay napangiti ako. Bakit? Ang bakanteng upuan kasi ay talagang para sa aming dalawa. Meaning, iyon na lamang ang bakanteng pandalawahan at wala talagang naka-upo. Ang ine-expect ko kasi, baka magkahiwalay kami. Iyon ba’ng… ‘yung isang bakante ay nasa dulo at doon ako uupo tapos ‘yung isa namang bakante ay nasa gawing harapan at doon si Phytos. Hashtag “Magkabilang Mundo.”

Ayoko nga ng gano’n! Nangyari na rin kasi ‘yan sa akin dati, sa amin ni Tyron. May pupuntahan kami no’n at gano’n ang naging sitwastyon. Nagkahiwalay kami ng upuan kaya bad trip ako buong biyahe. Speaking of Tyron… kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya… kay Nestly?

Sheet of paper naman! Ano na naman ba ‘tong iniisip ko? Akala ko ba nagmu-move on na ko? Akala ko ba kakalimutan ko na ang lahat lahat? Haaay, feeling ko tuloy bumalik na naman ang lahat. Lahat ng masasayang memories kasama siya.

‘Di ba sabi nga sa kanta, “so let’s not bring the past up anymore.” Pero ugh! Bakit ba ganito? Kung kailan naman unti-unti na akong nakaka-recover… Kung kailan masaya na ako kay Phytos at madalang ko na siyang maalala… At saka pa babalik ang dati? The heck! Screw this freaking heart of mine!

Napa-buntong hininga ako at naramdaman kong isinandig ni Phytos ang ulo ko sa kanyang balikat. “Ano’ng iniisip mo?” tanong niya.

I shake my head. “Wala. Excited lang ako.”

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now