Chapter Eleven

4.4K 76 5
                                    

CHAPTER ELEVEN

Deity’s POV

Days have gone so fast. Limang araw na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari. Ganito pa rin ako; hindi makalimot kay Tyron. Halos araw-araw, eh, siya na lang ang laman ng isipan ko.

Kung hindi lang talaga gano’n ang nangyari, siguro masaya na kaming dalawa ngayon. Siguro happy ever after na. Tama nga ang kasabihan, all good things always come to an end. Walang masasayang bagay na nagtatagal. Lahat dumadating sa katapusan na hindi natin inaasahan. That was the harsh reality of our life. Fairytales is just a mere word — imposible at hinding-hindi mangyayari sa totoong buhay.

Para naman hindi ako masyadong maging loner ngayong araw, napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Patch. I’m sure malilibang ako ‘pag kasama ko siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nagpaparamdam, eh. Sa huling text message niya sa ‘kin, sinabi niyang meron daw silang pupuntahang Beach Party kasama ang mga pinsan niya sa Avida Tower, isang mamahaling condominium doon sa Quezon City. Ang daya nga, eh. Hindi man lang ako sinama. Summer na summer, loner na loner ako. Wala man lang summer romance.

I sighed as I curled up my bed. Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa banyo para maligo. Few minutes later, I am finally done. “Aalis ako,” sabi ko at tumingin kay Phytos.

“Saan ka pupunta?”

“D’yan lang kila Patch.”

“D’yan lang kila Patch? Baka mamaya sa bar ka na naman pumunta. Dati ganyan din ang sinabi mo, kila Patch ka pupunta pero sa HardCore naman pala.”

I rolled my eyes in a cool way. Hay, bakit ba kasi nagsasayang pa ko ng energy para magpaliwanag dito sa lalaking ‘to? “Basta kila Patch ako pupunta. Kung ayaw mo maniwala, bahala ka. Bye.” And I walked out.

Lumabas ako ng bahay at nag-abang ng taxi. Tinatamad akong mag-drive ngayon kaya magta-taxi na lang ako. “Taxi!”

Mayamaya, nakarating din ako sa bahay nila Patch. Thank God dahil hindi traffic. Nagbayad ako sa driver ng taxi at saka bumaba. Kumatok agad ako sa pintuan nila. “Tao po!”

The door was opened by Patch. “O, Deity. Ikaw pala, pasok ka.”

I entered then sat down on the sofa. “Kamusta naman? Ikaw ha, hindi mo man lang ako sinama sa Beach Party na pinuntahan niyo.”

“Hindi mo naman kasi sinabing gusto mong sumama. Ay, oo nga pala, ‘buti dumating ka. May sasabihin kasi ako sayo.”

“O, ano naman ‘yun?”

“Sandali lang.” Pumunta siya ng kuwarto at pagbalik niya ay may hawak siyang invitation. She handed it to me. “‘Eto.”

Binasa ko ang nakasulat sa harapan nito. Agustin and Ortiz NUPTIAL.

I wasn’t surprised. Naalala ko ‘yung post ni Nestly na nabasa ko few days ago sa Facebook. “Totoo na pala ‘yan.”

She nodded. “Oo. Nabasa ko nga rin ‘yung post niya sa Facebook. Grabe talaga. Nagulantang ang mundo nang dumating ‘yan dito kahapon. Pinadala yata ni Nestly. Ikaw ba, hindi pinadalhan?”

Umiling ako. “Hindi. W-wala akong natatanggap.”

My eyes got wet with tears. Habang binabasa ko ang nakasulat sa harapan ng invitation, papalabo nang papalabo ang paningin ko. Hanggang tuluyan nang tumulo ang luha.

Everything is falling apart, or better yet, fallen apart.

“‘Wag mo na lang pansinin ‘yan. Alam mo naman ‘yung malanding babaeng ‘yun, lahat gagawin para masaktan ka. Sinadya niya talagang magpadala ng invitation.”

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Where stories live. Discover now