Chapter Eight

200 8 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Tyron’s POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na lugar. Teka, nasaan ako? At bakit nakahubad ako? Bakit nandito ko sa kama?

Tinignan ko ang katabi kong babae. Si Nestly. Nakahubad din siya. Damn it. Ibig sabihin...

“T-Tyron...” Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya.

“Bakit pareho tayong nakahubad? Ano bang nangyari kagabi?” Shit, wala akong maalala na may ginawa kaming hindi pupuwedeng gawin.

Nagtakip siya ng kumot sa katawan niya. “Nalasing tayo, sobrang lasing. Tapos... tapos... hindi ko na alam ang nangyari.”

“Shit.” Napatingin ako sa bedsheet at nakita kong may dugo. Damn! I’m so stupid! Nalasing na nga ako, may ginawa pa akong hindi maganda. And worst, hindi ako nakapunta sa engagement party namin ni Deity. Aaahhh! Hindi puwede ito!

Tumayo ako at nagbihis. Kasal namin ni Deity ngayon. For goodness sake! Bakit ba kasi pumunta pa ko dito sa unit ni Nestly? Bakit ba pumayag pa akong sumama sa celebration nila ng birthday niya? Ang tanga ko. Ang tanga tanga mo, Tyron.

“Aalis na ko. Kasal namin ni Deity ngayon.” Lumapit ako sa pinto ng unit. Akmang bubuksan ko na ito pero biglang nagsalita si Nestly habang nasa kama pa rin at nakasalampak.

“Hindi puwede.”

“Ha?” Napakunot-noo ako.

“Hindi ka puwedeng magpakasal kay Deity. M-may nangyari na sa atin, Tyron. What if mabuntis ako? Kailangan mo kong panagutan,” sabi niya.

Napasapo ako sa noo ko. What the?! Bakit ba nangyayari to? God, please tell me what to do. Please... “Nestly, hindi puwede! Ikakasal na kami ni Deity. Mapapangasawa ko na siya. And look, parehas nating hindi ginusto yung nangyari. We were drunked. Kapag lasing ang tao, nawawala talaga sa tamang pag-iisip. Hindi natin sinasadya yun.”

Nakita kong umiiyak na siya. “Yun nga eh. Hindi natin to ginusto. Pero wala tayong magagawa dahil nangyari na...”

“Stop crying, okay?” I sighed. “Ano ba’ng gusto mong mangyari? Hindi na ko magpakasal kay Deity at panagutan kita kung may dapat mang panagutan?”

Dahan-dahan siyang tumango. Napabuntong-hininga ulit ako. “Nestly, di ba parang unfair naman yun? Ikakasal na ko eh. At paano si Deity? Hindi ko siya puwedeng iwan ng ganun ganun na lang.”

“Ano’ng gusto mong gawin ko? Ano’ng gusto mong sabihin ko sa mga magulang ko pag nabuntis ako? A-akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito sa sitwasyon natin na to?” sabi niya habang umiiyak.

Umupo ako sa sofa habang nakadukdok at sapo ang ulo. Naguguluhan na ako. Nahihirapan na ako. Ano ba tong napasok ko?

Tumingin ako sa wall clock. 7:40 AM. Tanghali na rin pala. Ano na kayang nangyayari kay Deity?

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Ten missed calls at twenty messages. Lahat galing kay Deity. At lahat din kagabi pa sinend.

Aaahhh! Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Tumayo na ako mula sa sofa. “Uuwi na muna ko.” At lumabas na ako at naglakad papalayo.

Nestly’s POV

The game is over! I smiled in victory.

I can’t express how happy I am today. Tyron is finally mine. Akin na siya. He’s mine and only mine!

It was just so satisfying that the boy I had been pinning for so long was now my own property.

Sinasabi ko na nga ba ako pa rin ang mananalo, mapapasaakin din si Tyron. At ngayon sa akin na nga siya. Hmm, kamusta naman kaya si Deity? Siguro naglulupasay na siya ngayon dahil wala siyang groom. I guess, she’s now swimming in tears, wallowing in pain and celebrating her own shame. Poor her. Serves her right. Masyado kasi siyang mapaghangad.

Tumayo na ako mula sa kama at nagbihis. Umalis na si Tyron para umuwi. Kailangan ko na rin umuwi. I need to tell Mom about this. Kapag nalaman niyang may nangyari na sa amin ni Tyron, she’ll automatically arrange a wedding for the two of us. Isn’t it great? My ultimate dream is just a step away.

I smirked as I went out of my unit. I guess, the following days will be pretty exciting.

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom (COMPLETED/PUBLISHED - 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon