Chapter Seven

5K 97 1
                                    

"Hindi niya alam na allergic ka sa chicken? Ugh, ang stupid naman ng asawa mo." Sabi ni Ate Mylven habangagluluto kami ng curry and at the same time, nagpapaturo na rin kung paano magluto nito.

Yung pakiramdam na ang tagal kong walang kakampi, eto na naman at nagda-drama na naman ako. Niyakap ko na lang ng mahigpit si ate.

"I missed you, ate. Sobra. Kayong lahat nami-miss ko na." When she hugged back, hindi ko na napigilan yung luha ko.

"Shh, wag ka ngang bata dyan Ace.. We're fine." Sabi naman ng Ate Mylven niya. Well, may pagkakahawig ang ate ko kay Liam sa ugali. Parehas silang walang pakialam kung may umiiyak. Pero mas grabe si Liam. At kapatid ko si ate, so mas soft siya. Ayaw niya lang minsan ng iyakan.

"Si Daddy inaasikaso niya yung passport namin papuntang Singapore." 

Natigil ako sa paghihiwa tapos napatingin sa kanya. "P-passport? Singapore?" Alam ko ang plano nilang umalis. But isn't it too soon? Ayokong maiwan. "Bakit kayo aalis agad?"

"May offer na natanggap si Daddy sa Singapore. At tutulungan siya ng kaibigan niya dun para makahanap ng pagkakakitaan o papasukang trabaho. Malaking tulong na din yun para mabayaran yung utang natin sa pamilya ni Liam." 

"Pero si Daddy... Baka mamaya niyan, sumpungin siya--"

"He's gonna be fine. Ano namang ginagawa ko diba? Kasama ko siya dun to look after him. And I promise I won't let him drink at least a sip of coffee." Nakangiti niyang sabi.

I don't know what to say. At nagpatuloy na lang ulit akong umiyak. She has to let me cry, dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Gagawin nila yun para lang matuluyan nang mabayaran yung utang namin. Samantalang ako, nandito lang at walang ginagawa. 

"Stop crying, Aeicy. Alam ko yang iniisip mo no." Tinignan ko ulit si ate. "Feeling mo na naman wala kang magawa para makatulong? Duh, ikaw kaya tong nag-sacrifice para lang hindi makulong si Daddy. Nagawa mong magpakasal sa taong hindi mo mahal para lang hindi matuluyan si Daddy sa kulungan. At syempre... kailangan din namin gumawa ng paraan para maiayos ang lahat. To get you out of here. Kahit di mo sabihin, alam ko na mahirap sa'yo to."

"Thank you, Ate..." sabi ko with matching uhog pa.

"We should be the one to thank you. Kung hindi ka pumayag na pakasalan yung damuhong yon, malamang nasa kulungan na si Daddy ngayon at tayo naman gusgusin na. Hindi sa nage-exaggerate ako pero aminin mo, totoo yun." She smiled apologetically.

Ngumiti na lang rin ako. 

"Speaking of your damuhong husband, pinapahirapan ka ba niya dito?"

Without thinking, I shook her head. Agad agad. I shouldn't let them worry. Masyadong marami na silang iniisip at problema to kapag nakarating pa sa kanila lahat. "Hi-hindi naman."

"Sigurado ka ba? Parang nangangayayat ka ngayon. Ginugutom ka ba niya?" Ayan na naman siya sa pag-inspect sa akin simula ulo hanggang paa.

"Ate naman. Syempre naninibago lang ako saka nami-miss ko kayo 'no. Naho-homesick lang siguro ako. Pero mag tumagal, magkakaron na ko ng ganang kumain." Then to convince her, I smiled again. 

"Sure kang hindi ka ginagawan ng kung ano-ano ng asawa mo ha?" 

I smiled and nodded. "Sure."

"Buti naman. Tandaan mo, Ace. Hindi porket may utang tayo sa pamilya nila, hahayaan mong apak-apakan na lang yung pagkatao mo. Oo nga't mayaman sila, mas nakakaangat sa buhay pero pare-pareho lang tayong lahat na tao lang."

Ate. Kung alam mo lang.

_____

Hapon pa lang nung umalis na si ate. Ayoko kasi siyang madatnan ni Liam dito dahil tiyak na magagalit yun pag nalaman niyang sumuway ako sa bilin niya.

Mabilis tumakbo yung oras. Nine o'clock na pero wala pa din si Liam. Kadalasan kasi alas-otso ang uwi niya. At ngayon lang siya na-late. Hala, anong oras na...

Maya-maya narinig ko yung busina ng kotse ni Liam. Lumabas agad ako para pagbuksan siya ng gate at makapasok yung sasakyan. Nang makapasok na yung kotse, nagulat ako kasi ibang tao yung lumabas. Babae? Pero.. sasakyan to ni Liam diba? Diba?!

"Sino ka?" Tanong ni Aeicy.

"Where's Liam?" The lady in black dress asked, ignoring my question. 

"W-wala pa si Liam dito eh. Bakit mo nga pala gamit yung sasakyan ni Liam?" Tanong ko ulit. Mahirap na no, baka mamaya napaano na si Liam--malay ko ba kung nakahandusay na yun sa EDSA o kaya sa---Oh, stop it Aeicy! Baka babae niya lang 'to!

Natawa naman ng malakas yung babaeng nasa harap ko. "It's none of your business. Who are you anyway? Oh, new maid? Could you please get me some water?" She said like a boss.

Aba siyempre nainsulto ako. Hello? Mukha ba kong katulong? 

"I am her wife." Inangat ko yung ulo ko para naman magmukhang confident ako. Tapos pinagmasdan ko siyang magulat. Pero saglit lang at nakabawi na siya ng reaksyon.

The lady scoffed. "Liam's wife?" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Unbelievable."

Magsasalita pa sana ko pero bumalik siya sa loob ng kotse at pinaandar niya ulit palabas.

'Kala niya ha. Hindi nadadaan sa paiksian ng damit ang lahat. But wait... why is she using Liam's car? Babae niya ba talaga yon?

"WE! ARE NEVER EVER EVER GETTING BACK-"

Calling...
Liam

Sinagot ko agad yung tawag niya. "Liam---"

"Listen carefully. My client is going there... pauwi na ko para makapag-usap kami. All I want you to do is entertain her, okay? Don't mention anything about our marriage. Papunta na ko diyan..." 

"Huh? P-pero---"

And then the call ended. 

Yung client na sinasabi niya, hindi naman siguro yung babaeng yun diba?

Uh-oh. I think I'm in trouble.

_____

FL01

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon