Chapter One

11.6K 191 14
                                    

What is hell? I maintain that hell is the suffering of being unable to love.


Napahinga ako ng malalim at sinara ang librong binabasa ko. Maybe I've had enough reading for today, at medyo nahihilo na ako. Ilang oras na yata akong nagbabasa hindi ko na namalayan.



I know I should do something else other than reading.



But what will you do instead, Aeicy? Stare at what's outside the window until you become old, unloved, and then die?


Ilang araw na akong nagkukulong dito sa kwarto na binigay ng napangasawa kong hindi man lang ako madalaw-dalaw o matanong kung kamusta na ako. He has been ignoring me for days at parang asido pa mga lumalabas sa bibig niya kapag kinakausap niya ako.


Anong ine-expect mo, Aeicy? Maswerte ka nang may maayos kang tulugan, nakakakain ka ng maayos, at naiwang malinis pa rin ang pangalan ng Daddy mo. Okay na 'yun. Wag ka nang maghangad na maayos ang pakikitungo nila sa'yo.


All you have to do is to go out and eat when he asked me to. Tapos balik dito sa loob. Magpakakulong hanggang sa umaga. At gawin yun hanggang sa magsawa siya at mag-alok ng annulment. Yes, that's it.


Will I die here alone in this room? Will I grow old here in this nice-looking yet very sad place?


Natawa ako ng konti sa naisip ko. Ganito ba kapag naikasal sa taong hindi mo kilala at hindi mo talaga gustong makilala forever?


"Aeicy, handa na yung almusal sa baba." I heard a familiar voice behind me. Napatitig ako sa pintuan na pinanggalingan ng boses na ilang linggo ko pa lang naririnig. The only voice I knew that was safe and kind. Si Manang, ang helper nila dito.

 

"Gising ka na ba? Aba't papasok na ko para kunin yung labada mo ha." Sabi ni Manang sabay bukas ng pinto. Napatayo naman ako agad sa kama na kanina ko pa inuupuan habang nagbabasa.


"S-sige po, Manang kahit ako na lang po yung maglalaba niyan--"


"Utos ito ni Sir Liam. Sige na't kumain ka na. 'Wag mong paghintayin ang asawa mo." Pagpipilit ni Manang Mila. May kung anong tono yung sinabi niya. At alam ko kung ano iyon. Isang pagpapaalala na masisira na naman ang araw ko sa oras na lumabas ako ng kwarto at harapin ulit yung lalaking yun.


I shrugged my shoulders and thanked her then left the room.


Bago ako bumaba, sinigurado kong maayos ang sarili ko. Inunat ko ang mga gusot ng suot kong damit at inayos ang aking buhok sa pagkakatali. Baka kasi meron na naman siyang masabi sa akin. The man likes to say things... ugly things about me. I can still remember the first sentence he ever said to me when we first met.


"She's not pretty. Sigurado kayong siya yung pakakasalan ko?"


Napailing na lang ako. Ayaw ko nang maalala ulit yung mga panlalait na 'yon sa harap ng buong pamilya ko. Pero dahil nga may utang kami at makukulong si Daddy, hinayaan namin ang panlalait na iyon. Hanggang sa...

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon