Chapter Eight

4.7K 98 5
                                    


Text Messsage

To: Liam

Liam, yung bisita mo... umalis na.
Sorry. Hindi ko naman alam na siya yun eh.

You should've called earlier. Sorry (^_^)V

Delete! Delete! Argh! Simpleng text lang hindi ko magawa. 

Pano ko ba sasabihin sa kanya? Aeicy! Bakit ayaw gumana ng brains mo? Grabe naman kase si Liam eh, magsasabi siya ng ganun, late na! Ano bang malay ko kung siya yun? Jusmiyo po patay na naman ako nito sa kanya!

I've been pacing back and forth habang hawak ang mahiwaga kong cellphone. One text lang ang kailangan kong gawin para maging payapa ang gabi namin, hindi ko pa magawa. Baka kasi lalo siyang magalit?

Holy Molly. Hindi ko alam gagawin ko!

Nasaan na ba siya? Kanina pa umalis si Lady in a black dress bingwit yung sasakyan niya. Mahigit sang oras na ang nakalilipas at wala pa rin siya. Ang damuhong asawa ko.

Lalo tuloy akong kinabahan. Nalaman na kaya niya na tinarayan ko yung babae? O siguro nagsumbong yung babaeng yun sa kanya. CLIENT nga kasi yun. Paano kung magkaroon ng problema dahil sa akin? 

Official fresh dead meat ako kapag nagkataon. Help me, Lord!

BAM! BAM! BAM!

Sunud-sunod na malalakas na kalabog sa gate yung narinig ko sa labas. At syempre, nalaglag ang aking puso sa biglaang tunog. Sino naman yun? Si Liam na ba yun? Pero never siyang kumalabog ng ganung kalakas sa gate. 

Patuloy pa rin sa pagkalabog yung gate. Pero nakatayo lang ako sa salas at hindi gumagawa ng tunog. Baka mamaya kasi niyan, masamang tao yung kumakatok or mga adik lang na nanti-trip. Uso na kasi yung mga ganoon sa panahon ngayon. Pinaka-bilin pa saakin ni Liam na wag magbukas agad kapag may kumatok. 

Pero patuloy pa rin ang pagkalabog ng gate. 

Nilunok ko na lang yung takot ko at naglakad ng dahan-dahan palabas. Pero kasi, lumaki ako sa panonood ng mga horror at suspense movies kaya hanggang pintuan ng bahay lang yung inabot ko. 

Binuksan ko yung pinto nang dahan-dahan tapos sumilip sa labas. Biglang nahinto yung kalabog. Napahinga ako ng  maluwang. Yung hingang pang-bukas na. Hay salamat at hindi pa si Liam iyon. Siguro may mga bata lang na naglalaro--

"Damn it, Aeicy! Open the blasted gate!" Sigaw ni Liam sabay kalabog ulit ng gate.

Shit. Dead meat. Napakagat ako ng labi at dali-daling pinagbuksan siya ng gate. Tinapangan ko yung sarili ko na tignan siya. Halata sa hitsura yung inis, galit, irita, at pagkabanas. Lahat na. 

"After ten fucking minutes, nakapasok rin sa bahay ko." Sinabi niya ng mahina. Then walked inside the house, stomping his feet like a child. He's mad. He's mad. Soon I will be dead.

Sinara ko na yung gate at sumunod sa kanya sa loob. Naghintay ako ng sermon or sigaw niya pero wala. He seemed calm. Thank God. Sana walang mangyaring sigawan mamaya. Please naman destiny. 

"Aeicy. Where do you think you're going?" Liam's voice stopped me from walking upstairs to my room. 

"Uhhm, sa kwarto." Bulong ko. Eto na. 

"Do that later, come here we're going to talk." Mahinang sabi niya, sobrang hina ng boses niya alam kong pinipigilan niyang sumabog ang mga litid niya sa galit. At sobra akong nagpapasalamat dahil nagpipigil siya.

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon