Chapter Seventeen

5.1K 92 10
                                    

 Aeicy's POV

"Eh anong ine-emote mo dyan?" Tanong sakin ni Ate Mylven. Nandito ako ngayon sa bahay namin. Si Daddy umalis kasama ni Kuya Rio. May aasikasuhin daw sila eh. 

Sinabi ko na lahat-lahat ng nangyari samin ni Liam kahapon. Well, hindi naman lahat. Yung dapat lang nilang malaman, like: Inuurong na ni Liam yung agreement nila ng mga tatay namin; I'm free again. 

"Hoy, Aeicy. Sagutin mo ko. Bakit ka naman umiiyak? May ginawa ba siyang... Don't tell me..."

"Ate naman! W-wala. Wala lang 'to. Saka ano ba yang pinag-iisip mo dyan. Ayan ka na naman eh." Imbis na i-comfort ako nitong kapatid ko, nag-iisip pa ng mga kalokohan. 

"Eh bakit ka nga umiiyak? Hindi ka ba masaya dahil malaya ka na? Na hindi ka na titira kasama yung walang hiyang yun?" Tapos biglang nanlaki yung mata ni Ate Mylven. "Don't tell me gusto mo na yung lalaking yun?!"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pinunasan ko yung mga luha kong ayaw tumigil kahapon pa. 

"Aeicy. Gusto mo na siya?" Tanong ulit sakin ni Ate, this time, malumanay na yung boses niya.

Tumango ako ng dahan-dahan. Ayan na naman yung luha ko. "Mahal ko na siya. Pero siya, hindi."

Matapos yung iyakan namin ni Ate, pinagpahinga na niya ko sa lumang kwarto ko--at magiging kwarto ko ulit. Humiga ako sa kama. I'm tired, emotionally, and physically, pero hindi ako makatulog. Paulit-ulit na nagsi-sink-in sa utak niya yung sinabi ng ate niya kanina.

"Balik sa lahat yung dati, ganun lang yon, Aeicy. Kaya mong magmove-on. Hindi naman bago sa'yo to diba? Naranasan mo na ring masaktan nung kayo pa ni Terence--nung iniwan ka niya. Pero nakaya mo diba? Nakaya mong magsimula ulit. Nakaya mong kalimutan siya. Kaya ngayon, sa sitwasyon ninyo ni Liam, alam nating walang makakapagbago dun, kung hindi ka niya mahal, o edi hindi. Accept it. It's better to have loved and lost, than to never love at all. Isipin mo na lang na... may mga tao talagang hindi natin makasama kahit gaano mo kagusto. Makakapag-move-on ka din."

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon