Chapter Three

6.1K 126 9
                                    


"I swear... hindi ko sinasadya. I am very sorry."


Matagal kaming nagkatinginan ni Liam. I don't know what kind of expression he's making dahil sobrang labo na ng mata ko sa luha ko. I know I am not a cry-baby and hindi ako mabilis umiyak. But that all changed since we had the biggest downfall in our family.


His blank but angry face did not even move a bit. But I know nothing has changed in him. He doesn't look moved or affected. He seemed to like the sight of me kneeling in front of him. Crying.


What a big bully of a man.


Siya na yata ang pinakamanhid na taong nakilala ko.


The last time I kneeled was when my mother's about to die, and I begged the doctor to save her.


Parehas lang din nito, nagpakababa ako para sa wala.


The only thing playing in my mind is: If I made a mistake, one wrong move, or anything he didn't like, the agreement's over. My dad's going to jail for sure, my family will be in doom for sure.


Matagal kaming nagkatinginan at matagal kaming kinain ng katahimikan.


"Stand up," I heard him say. "Restroom floors are not clean, and you'll get yourself dirty. Clean yourself now. Hihintayin kita sa labas." Pautos na sinabi niya. He slammed the door as he went out. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib noong makalabas siya.


Parang hawak niya yung lahat ng hangin sa restroom at nung lumabas siya nakahinga na ulit ako ng maluwag.


Ganoon kalakas at kabigat ang personality niya.


Ginamit ko ang oras na binigay niya para ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Pagkatapos nun, nag-retouch ako. It was a good thing na hindi ako gaanong maputi. Dahil sure ako na magmumukha akong minaltrato ng asawa paglabas ko ng rest room at makita ako ni tita.


Nadatnan ko si Liam sa labas na minamasahe niya ang kanyang noo. He looks... tired. I clenched my jaw and walked to him. Maging sa kanya, hindi madali ito. Maging sa kanya ay hindi madali ito.

 

Anong ibig sabihin ni Mang Nestor sa sinabi niyang iyon?


Samantalang siya at ang pamilya niya ang nag alok ng kasal para mabayaran ang danyos ni Daddy?


Napahinga ako ng malalim ulit.


Did I over-react? Did I over-cry? Over ba ang lahat ng nangyari kanina?


It was clear to me that Liam doesn't want this marriage as much as I do. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ang sama sama sama sama sama sama ng pakikitungo niya sakin? He didn't even bother to ask my name when we were introduced to each other. 


Nilait niya agad ako. At simula nun, parang impyerno na ang buhay ko araw-araw.


I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon