Chapter Thirteen - Continuation

4.7K 88 4
                                    

(A/N): Continuation po ito ng POV ni Aeicy. 

I feel very weird. Ang awkward. Bakit ko sinabi sa kanya 'yun? And of all the people na pwedeng sabihan, bakit 'yung Ex-boyfriend ko pa? At bakit ba ako nandito sa Condo niya? 

"Take a bite, Aeicy. Kung ayaw mong kumain ng kanin." Sabi ni Terence sabay lapag ng sandwich sa table sa harap ko. Nakaupo ako sa couch. Kinuha ko yung sandwich tapos kumagat ng kaunti. Wala talaga akong gana. Saka anong oras na rin eh.

"Pumayat ka. Hindi ka ba pinapakain ng fake-husband mo?" He asked me. Para naman akong nabulunan. Isa pang katangahan na ginawa ko, e sinabi ko lahat-lahat sa kanya yung tungkol sa amin ni Liam. About Daddy's debt, the fixed marriage, about Liam, and yung nangyari kanina sa bahay four hours ago. Sobrang pinagsisisihan ko na ikwentokay Terence yun. Kasi kitang-kita sa mukha niya yung pain at guilt. 

Hindi ko na rin kasi alam yung ginagawa ko nung time. Masyado akong nabangag, kaya nung nakita ko si Terence sa tapat ng bahay namin, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Yumakap ako sa kanya na parang isang bata na nadapa at nagsumbong. Tapos nun, naikwento ko lahat-lahat. Nasabi ko yung mga hindi dapat sabihin. And worst, kay Terence pa.

"I'll call Rio." Sabi niyang bigla. Napatayo naman ako bigla tapos hinawakan yung braso niya.

"No, please. 'Wag." Sunod-sunod yung iling ko. "Baka lalo lang magulo yung lahat eh. Please, Terence." 

I heard him sigh and hatred can be seen in his eyes. "I'm going to kill that jerk, Aeicy. Ang kapal ng mukha niyang gawin lahat yun sa'yo. You can't blame me, Aeicy. I love you. I feel like I have the obligation to protect you. At kung sino man yung lalaking manakit sa'yo, I swear I'm going to destroy him." And then his eyes soften. He reach for my hands and kissed them. 

"I think this is the only way to make things right, Aeicy. Babawi ako sa'yo. Alam kong galit ka pa rin sa sa'kin kasi umalis ako ng walang pasabi. But, damn. Pinagsisisihan ko yun ngayon. You're the only reason why I'm here. I want you to come back, Aeicy." He looked intently into my eyes but I look away. 

"Terence. Hindi na pwede..." I have to be honest with you, Terence. "Marami nang nagbago sa loob ng isang taon na nagkahiwalay tayo. Maraming bagay yung nawala, maraming nangyari, maraming dumating. Alam ko na alam mo na matagal na tayong tapos." I know it will hurt you but I need to end everything with you. Kailangan kong tapusin yung mga dapat tapos na one year ago.

"Oo nagalit ako, nasaktan. Kasi umalis ka papuntang America at inuna mo yung career mo kesa sa'kin. But I already moved on, Terence. Hindi na ako yung Aeicy na nakilala mo. Nagbago na 'ko." Tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa akin. I can't look in his eyes right now. Ayokong makita siyang nasasaktan. "I'm sorry Terence."

Sa nangyari sa aming dalawa, aminado ako na may kasalanan siya. But part of it was my fault too. Hindi ko na siya sinubukang kausapin. Nauna yung galit ko. Hindi ako naging eager para ma-save pa yung realtionship namin. Hinayaan ko lang na mawalan kami ng communication. Inuna kong isipin yung galit, tampo, yung sariling sakit na naramdaman ko. Oo hindi siya nagsabi ng kahit anong dahilan, pero may chance ako na magtanong. May chance ako na isalba lahat. Pero sinayang ko lahat yun. Umiyak lang ako. At pagkatapos nun, pinilit kong mag-move on. Wala akong ginawang paraan para ma-save yung relasyon namin.

"You want him, Aeicy? Kahit ganun yung ginawa niya sa'yo?" Tumulo na yung luha ko at agad naman akong yumuko. Yung boses niya parang umiiyak na.

"I don't know." Kahit nasabi ko na sa kanya na 'I'm falling, hard.'

I heard him sniffed. Tapos tumawa ng mahina. "You love him."

And once again, my heart skips a beat. At yung pisngi ko namula. The same feeling that I feel everytime Liam kisses me. Love him? Oo aaminin ko na. Gusto ko siya. I'm falling for him. Despite his rude behavior, his perverted and bossy attitude, may gentle side siya. I've seen and felt that everytime he kisses me. Everytime he's with me. 

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon