Chapter 31: Mushroom Soup

1.1K 138 152
                                    

Isang buwan na naman ang lumipas, and I could say that I am still fine. Nagkita pa nga kami ni Wayne sa org tambayan, pero awkward. Nagngitian lang kami tapos ayun na. Buti nga at sensitive ang org mates namin kaya wala namang nag-uungkat ng issue.

I'm looking for forward sa klase ko kung saan ko kaklase si Aaron. Ever since na nagkausap kami, lagi na kaming magkatabi sa class. Since twice a week 'yon, lalo kaming naging close. Hindi nga lang siya masyadong ma-text na tao . . . pero matawag siya—na mas lalong nakakakilig! Tipong isang beses, tumawag siya sa kalagitnaan ng isa kong klase, at nang sinabi kong may class pa ako, ang sabi niya, "Ay, shit, sorry! Takits tayo mamaya. Galing kaming Baguio no'ng weekend. May pasalubong ako sa 'yo."

Like . . . sino ba ako para pasalubungan niya? Di naman ako best friend, kapitbahay, at lalong di niya ako jowa. Kaklase lang naman niya ako. Ganito ba siya sa lahat ng girls na kakilala niya? Nakakainis kasi sobrang sweet niya at sobrang maaalalahanin kaya kailangan kong maging cautious. Ang dali pa namang ma-in love sa mga guwapo na nga, sweet pa. Pero hindi kasi ibig sabihin na sweet siya sa 'kin e may feelings siya para sa 'kin. Malay ko ba kung buong barangay ba pinasalubungan niya.

Pero to be sure, tinanong ko 'yong isa naming kaklase. Ang sagot, "Ha? Di naman kami close n'on para bigyan ako ng pasalubong." So . . . confirmed . . .

May pag-asa kami. Hahaha!

At heto na nga, malapit na akong mag-birthday. Sabihin na nating hindi ito 'yong birthday na gusto ko kasi ito 'yong unang birthday na hindi na kami magkaibigan ni Wayne. I mean, back to acquaintances. Naalala ko last birthday ko, noong hindi pa kami, siya 'yong nagsabi sa lahat ng tao na magsuot ng pink dahil 'yon 'yong paborito kong kulay.

Mas ma-surprise pa siya noong friends lang kami, sabi ko sa isip ko. Pero no'ng naging kami na, wala na.

Sinabi ko 'yon kay Aaron habang wala pang prof. Ito rin ang paraan ko para mas makilala niya ako, para alam ko rin kung anong ideya niya sa 'kin. Para in case na maging kami, wala ng biglaan. Chos.

"Nami-miss mo ex mo?" tanong niya matapos kong ikuwento.

"Nami-miss ko pagkakaibigan namin," sagot ko.

"Ikaw nakipag-break, di ba?"

Tumango ako. "Sunod-sunod kasi 'yong away ta's masyado akong maraming expectations. Tapos ayun, in the end nasanay na lang ako na lagi siyang wala, na hindi na kami masyado nagkikita. Mas na-miss ko pa 'yong mga panahong hindi pa kami. In the end, na-fall out of love ako. Maaayos naman paghihiwalay namin. Hindi katulad no'ng sa una ko."

"Okay naman ang may expectations sa isang relationship, pero kailangan malinaw at realistic at nagkakatugma kayo."

Ideal talaga siya. Universe, siya na ba si Mr. Right? Charot, pero sige lang, getting to know pa naman po kami. Please, magkasundo naman sana lahat ng bituin at tulungan akong huwag mahulog agad para maging tama 'to, dasal-dasal ko habang tumatango ako sa mga sinasabi niya.

Biglang may pumuntang matanda na hindi naman namin professor. Akala namin substitute, ayun pala, sinulat lang sa board na walang klase. Medyo nalungkot ako dahil ito na nga lang 'yong klase na gusto kong attend-an.

"Wala naman palang klase," sabi niya. "Do you want to go somewhere?"

Puso, kalma, sabi ko habang nakangiti. Kung ganito palang iimbitahan niya ako kapag walang klase, sana wala ring klase next week. "Keri lang. Want to eat?"

"Tara. Tell me about your past," sabi niya. "Sounds interesting."

"Talaga." Pero ang totoo, kinilig ako sa tell me about your past epek niya.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon