Chapter 21: The Story

1.2K 128 119
                                    

Sinara ni Loreen—ang kauna-unahang college friend ko na naging reader ng tinatayp kong kuwento na sinimulan ko no'ng first year college—ang laptop ko nang pagalit matapos niyang malaman na hanggang chapter 20 lang ang naisulat ko. "What the fuck?! 'Yon lang ang nangyari?!"

"Hoy! Dahan-dahan naman!" sabi ko. "Twent-four-k 'yang laptop ko! Pag nasira LCD niyan, ikaw magbabayad!"

"Nasa'n katuloy nito?! Sis, utang na loob naman! Bitin na bitin 'yong kuwento ni Jappa! Ituloy mo na 'to!"

"Tungkol 'yan kay Wayne."

"Hala, buang ka ba? Oo, ang umpisa nito e malamang kuwento kung gaano kagago ng ex na Wayne, pero 'yong dulo—"

"Dinagdag ko lang pero wala lang 'yon."

"'Wala lang' your face! Wala kang awang writer! Hindi mo 'to itutuloy?!"

"Wala akong intension dahil wala na rin naman ako gana ituloy 'yong kuwento."

"E, bakit mo 'to pinakita sa 'kin?! Bruha ka! Nabitin ako!" Pabiro niya akong sinakal at niyugyog.

Natatawa akong inalis ang mga kamay niya dahil nakikiliti ako. "Kasalanan ko? Sabi ko 'wag mo na basahin kasi mabibitin ka lang."

"Isisi mo sa semestral break na wala akong assignment at wala akong magawa at naubos ko na ang lahat ng DVD sa bahay at walang internet!"

"I-aral mo na lang, 'Te."

"I-aral?! Alam mo, sis, okay 'tong kuwento mo, e. Parang totoo."

Parang totoo. Natawa ako sa utak ko.

"Totoo ba 'to?" tanong ulit ni Loreen. Nang tiningnan ko lang siya at napangiti, bumilog ang bibig niya, mukhang hindi makapaniwala sa reaksiyon ko. "What the fuck?! Totoo 'to?!"

"Hoy, ano ba? Kanina ka pa mura nang mura. Nakakabingo ka na!"

"Shit, shit, shit! Totoo 'to?!"

"Um-oo na ba 'ko?"

"I can see it in your eyes, bakla. Totoo 'to, 'no?!"

"Bahala ka nga diyan."

"So anong nangyari kay Wayne?"

"Baka nasa impyerno na," sagot ko.

"OMG! So totoo nga! Asan na si Jappa?!"

Natahimik ako. "Hindi nga totoo 'yan."

Nakita kong sumimangot si Lor at nakunwaring sumuntok sa pader. Ang drama talaga ng babaeng 'to—I love it. Haha! Para siyang binuhay na cartoon.

"Akala ko pa naman totoo! Ahuhuhu." Literal na a-hu-hu-hu 'yong pagkakasabi niya.

"Halika na nga," pag-aya ko sa kanya. Male-late na tayo."

Tinago ko na 'yong laptop ko. Pumunta na kaming dalawa sa second floor ng math building nang nakarinig ako ng click ng camera somewhere else.

Iyon ang signal na nandito siya.

"Sabi na. Ikaw 'yon," komento ko nang nakitako si Wayne—ibang Wayne. Siya 'yong upperclassman na nakyutan ako no'ng college freshman orientation. Pero imbes na itigil niya, kinuhanan niya ulit ako ng picture.

"Ngiti naman kasi," sabi niya.

"Sana hindi siya maging tulad ng Wayne do'n sa kuwento," biglang sabi ni Loreen.

"Ha? Alin 'yon?"

"W-wala," sabat ko bago pa man sabihin ni Loreen ang tungkol sa sinusulat kong kuwento. "Punta na kami sa class namin."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon