Chapter 14: Literally Second

1.4K 126 43
                                    

Ilang araw matapos ang graduation, nakatulala lang ako, at di alam kung anong gagawin. Bagot na bagot na ako sa bahay. Naalala ko last summer, once a week, lumalabas kami ni Wayne, at sapat na 'yon para mabuo 'yong buong linggo ko.

Ngayon . . .

Buong araw nasa harap lang ako ng computer namin. Bumalik na nga ulit sina Mama at Papa sa ibang bansa, wala pa ring masyadong ganap sa buhay ko. Buti na lang at may social networking sites na kaya nakakausap ko pa rin sila lagi.

Heto, ang gising ko ay alas onse na ng umaga, at ang tulog ko naman ay alaso dos na ng umaga. Wala naman akong ginagawa, at di ko alam kung bakit ako nakakatagal ng gano'n nan agba-browse lang sa internet. Napaisip tuloy ako kung maghanap ako ng summer job para may magawa.

Habang naghahanap ako ng puwedeng summer raket, may nakita akong post sa group ng buong batch na may planong batch outing. Ang daming nag-reply ng yes, at naisip ko kung sasama ako. Masaya siguro, tutal wala naman akong ginagawa sa bahay, at ayoko namang mag-stick sa tulog-kain-computer-kain-tulog.

Tinawagan ko si Luis, at tinanong ko kung pupunta siya sa outing. Ayun, negative siya dahil pupunta sila ng Baguio. Si Yanna rin e nasa probinsiya. Si Luis ang nag-suggest na tanungin ko si Jappa.

Pero nagdadalawang-isip ako. Baka sabihin kasi ng iba na ginagawa kong rebound si Jappa kahit hindi naman. Iwas issue na lang din.

Nang nakapag-decide na nga ako na hindi na lang pupunta, biglang may nag-text. Pagtingin ko, si Jappa. Napangiti ako dahil ang tagal na no'ng huli kaming nag-usap. Nonconformist pa siya—'yong tipong wala laman na kahit anong bago 'yong profile niya. Siya talaga 'yong puro DotA, Left 4 Dead, Perfect World at kung ano-ano pang laro ang nasa isip.


Jappa: Punta ka sa outing? Overnight.

CJ: Ikaw? Punta ka ba?

Jappa: Siguro. Sama ka para sama rin ako. Wala akong magawa sa bahay. Miss ko na pag-iyak mo.

CJ: Langya ka. Last load. Ok sige punta ko. Takits!


Nagpaalam na ako sa tita ko kung puwede. Okay lang naman as long as magpaalam din ako sa mga magulang ko. Ang tanging hiling ko lang, sana . . .

Sana hindi pumunta sina Wayne at Cara.

***

Dumating ang araw ng outing. Nag-text ako kay Jappa na i-meet ako sa Chowking, at pumayag naman siya. Mas nauna ako ng thirty minutes, kaya nang nakita ko siya, palo agad 'yong natanggap niya.

"Wow ha. Two o'clock pala," sabi ko. "Anong oras na, kuya?"

"Two thirty-eight," straight-faced niyang sagot. Ginulo niya 'yong buhok bago kinarga 'yong isa sa dalawang bag na dala ko. "Maglalayas ka ba? Ba't dalawang bag dala mo, e, isang araw lang tayo?"

"Pagkain kasi 'yan. Tara na nga."

Tahimik lang kaming sumakay ng tricycle papunta doon sa meeting place. Gusto kong tanungin kung pupunta sina Wayne at Cara, at mukhang nabasa 'yon ni Jappa. Hindi pa nga siya nakatingin sa 'kin nang sinabi niyang, "Nando'n sila."

Ngumiti na lang ako bahagya. Hindi, remind ko sa sarili ko. Pumunta ako para i-enjoy ang mga bagay-bagay. Kailangan . . . kailangan ko 'tong i-enjoy. Di ko na lang siguro papansinin—

Pero nagulat ako nang bigla niya akong siniko. "'Wag ka mag-alala. Andito ako."

Natawa ako nang bahagya. "Thank you," sagot ko.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon