Chapter 27: Tantrums

1K 115 91
                                    

Nakatigil kaming dalawa. Walang imik. Nakatingin lang ako sa kanya. Ako ang nagsabi n'on, pero bakit sobrang sakit pa rin? Akala ko, it would be easier sa nakikipag-break, hindi doon sa bine-break-an.

Siguro dahil galit ako? Ewan.

Tumalikod ako papunta sa isang paliblib na lugar. Hinabol niya ako habang sinisigaw 'yong pangalan ko. Nakaramdam ako ulit ng hawak sa braso. "Ano ba!"

"Anong ano ba?!" sigaw ko pabalik. "Fuck, sige i-explain mo sa 'kin! Anong nangyari?!"

I was ready to listen, pero hindi siya umimik. Anong tinatago niya? Bakit hindi niya i-explain? "See," dagdag ko. "You wouldn't even tell me."

Umalis ako ulit. Wala pang tatlong metro ang nalalakad ko, nakaramdam ako ulit ng hawak sa braso. "CJ," sabi niya, "please naman 'wag ganito."

"'Wag ano? 'Wag ako makipag-break? Sawa na ako!"

"Sawa saan? Ginagawa ko naman lahat para maging okay tayo."

"Lahat?! Lahat na 'to?"

"Why the hell are you asking me for so much?"

Nakaramdam ako ng mas mahigpit na hawak. Why am I asking so much? Was that even "so much" to begin with?

"Ha? Teka, ano man lang 'yong magtext ka na male-late ka, di ba? Alam mo 'yong nagpa-load ako no'ng nag-text ka sa 'kin kung asan ako?! Why would you even do that kung wala ka pa lang balak na puntahan ako? Alam mo 'yong pakiramdam na ginawa mo lahat para lang ma-reply-an 'yong isang tao pero wala man lang effort 'yong taong 'yon na mag-reply? At boyfriend ko pa talaga."

"Nawalan nga ako ng battery!"

"Ba't di ka maki-text?! Ang dami mong dahilan!" sigaw ko. "Ready na nga akong makinig kung anong nangyari—"

"N-nagpasama si Trish."

Trish. Pangalan talaga ng babaeng kina-i-insecure ko ang trigger sa pagkulo ng galit ko. "See? Why did you try to deny it earlier? At, ano, di mo masabi sa kanya na naghihintay ako . . . para sa 'yo?"

May kirot sa dibdib ko. Sobrang bigat! Ang dami kong gusto itanong, isumbat. Pero nanginig lang ang labi ko at hindi na nakapagsalita. Nagpasama si Trish? Saan? Bakit kailangang kasama si Wayne? Bakit inabot ng ganitong oras? Bakit hindi siya naki-text kay Trish? Gaano ba kahirap ang sabihing, Teka, naghihintay girlfriend ko? May gusto ba sa kanya si Trish? Niloloko ba niya ako? Niloloko na ba nila ako?

Kontrabida na naman ba ako sa kuwento ng iba?

"CJ naman. Please—"

"Ayoko na," bulong ko. "Ayoko na."

Tinitigan ko siya bago ako umalis nang dirediretso. Hindi ako umiimik, tahimik habang papunta ako sa may gate. Kung tutuusin, may sakayan pa naman ng jeep, pero gusto ko lang maglakad hanggang do'n sa mas mahabang daan papunta sa isa pang sakayan.

Pero . . .

Mula sa mabilis na lakad, pabagal ako nang pabagal . . . hanggang sa kada dalawang segundo, isang hakbang lang 'yong nagagawa ko.

Tumalikod ako, pero wala akong nakitang Wayne. Wala.

Tumulo na lang 'yong mga luha ko nang tuloy-tuloy. At di ko alam. All of a sudden, nakita ko na lang 'yong sarili ko na pabalik sa kung saan ako nanggaling. 'Tang 'na naman, CJ, sabi ko sa sarili ko. Di ba, nagka-boyfriend ka na? Bakit ganyan ka umakto ngayon? Mas mature pa yata 'yong high school version mo kaysa ngayon.

Hindi naman ako ganito ka-immature noon. Bakit ngayon sa mga petty na bagay lang e nagagalit na ako? Ano bang gusto ko? Hiniling ko na sana may magmahal sa 'kin, pero heto na, mayro'n na—pero anong ginagawa ko?

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon