Chapter 22: Keep Moving Forward

1.1K 117 81
                                    

F this F this F this F this F this, paulit-ulit kong sinabi na sa utak ko. Teka, hindi ba niya tinanggap 'yong scholarship? Bakit siya nandito?!

"O, magkakilala na kayo?" tanong ni Wayne, walang kamalay-malay na siya 'yong tinutukoy ko sa pag-uusap namin kanina.

"Ka-batch ko siya no'ng high school," sagot ni Jappa. "Pero di ko siya naging kaklase."

Was that information necessary?

After three years, awkward pa rin ang pakiramdam ko. Nakalimutan na kaya niya 'yong nangyari? Ako kasi, hindi pa. Alam kong ang unang nawala, kaya siyempre, nakaka-guilty pa rin sa part ko.

Higit sa lahat . . . may gusto pa rin kaya siya sa 'kin? Asa, CJ. Ang tagal na n'on, paalala ko sa sarili ko.

Tiningnan ko si Jappa nang mabuti. Hindi na siya nakasalamin, mukhang naka-contacts 'yong mata niya, at 'yong katawan—para siyang binuhay na sculpture ni Michaelangelo. I wonder kung anong ginawa niya do'n sa ilang taon na wala kaming communication.

"Kumusta na?" tanong niya. "Single pa rin?"

What the packing tape. "Siyempre!" biro ko kahit ang totoo, gusto ko na lang maglaho.

"Bigla ka na lang di nag-text."

At ayun na nga. Iuungkat na niya iyon. Wala tuloy akong choice kundi amining, "N-nag . . . message ako. Pero wala ka ng sagot," habang nakatingin sa sahig.

Tumahimik saglit. Hindi ko nakita 'yong reaksiyon niya kaagad, pero mga ilang segundo pagkatapos, nakarinig ako ng tawa niya. "A . . . okay lang 'yon. Nagpalit na kasi ako ng number."

Nakahinga ako nang maluwag. Tingin ko, wala na siyang gusto sa 'kin. Nase-sense ko lang naman. Siguro nga, nakalimutan na niya 'yon, at ako lang itong paranoid.

"Close kayo?" tanong ni Wayne. "Kahit di kayo magkaklase?"

"Hindi naman," sagot ni Jappa habang nakatingin sa 'kin. Medyo nasaktan ako. Hindi pa ba kami close sa lagay na 'yon? "Mahilig kasing mag-text 'tong si CJ dati. Tapos isang araw, bigla na lang nawala."

That was half-truth. Ang tanong ko lang ay . . . bakit niya kailangan magtago ng katotohanan? Kung tutuusin, puwede namang sabihin na lang ni Jappa na magka-text kami tapos bigla na lang hindi ako nag-text. At bakit niya kailangang i-deny na close kami . . . kahit no'ng mga huling buwan lang ng taon? Sabi nga nila, Omission of truth is still a lie.

Anong trip nitong si Jappa?

"Uy, ano na, Wayne? Sabi mo saglit lang tayo," sabi ko. Hindi ko na rin kaya i-absorb ang mga pangyayari.

"Teka, may puntahan lang ako sa second floor. Sobrang saglit lang. Upo ka muna diyan"

Gusto ko sanang sabihin na hindi ba puwedeng next time na lang, 'yong hindi ako kasama? pero voila—wala na siya. Naiwan akong nakaupo kasama ng isang nakatayong Jappa sa harap ko.

And again, awkward silence.

Lumunok ako ng laway. Hindi ko tuloy alam kung kukunin ko na lang 'yong cell phone ko at magpapanggap na may ka-text o ano. Iniisip ko pa lang ang mga options ko, bigla na lang siyang nagsalita. "Pero 'yong totoo, kumusta ka na?"

Napagkagat ako sa labi dahil. obviously, nakokonsensiya ako. "Ayos lang."

"Takot ka pa rin?"

Please don't bring that up. Tumingin ako sa kanya, saka ako napatango. "May problema ba do'n?"

Ngumiti na lang siya saka niya ginulo 'yong buhok ko na parang tulad lang ng dati—tulad lang ng dati. "Ang tanda mo na di ka pa rin nagbabago."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon