Chapter 35: That Ring Finger

140K 2.3K 3K
                                    

Kinabahan? Natural.

Nanigas? Halata naman.

Nabuhay? Sobra.

Umalis 'yong dalawang babae dahil naging awkward ang eksena. Nagkunwari na lang silang walang narinig. Pero sana ma-realize nila na may hindi tama sa sinabi nila.

Biglang tumugtog 'yong "Every Time We Touch" ni Cascada sa loob ng reception area nang sobrang lakas. Isa pa naman 'yon sa paborito kong pop song na hindi puwedeng hindi tumugtog tuwing trip kong sumayaw at mag-lip-synch habang naliligo. Siguro party-party mode o baka may game na hinanda—di ko alam. Basta ang alam ko, magandang background music 'yon sa eksenang nasa harap ko.

CJ, 'wag ka nang tumakbo, sabi ko sa sarili ko. Deal with this.

"Kumusta?"

Gusto kong maiyak nang narinig ko ang malalim niyang boses. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon . . . after how many years. Nakasalamin, naka-blue suit and maroon tie, clean-shaved, at naka-wax ang buhok. Kung hindi ko kilala ang ikakasal, malamang nasabi kong siya 'yong groom.

"Ang ganda mo pa rin," komento niya.

Gusto kong magsalita, pero wala akong nasabi. Naipit yata ang dila ko. Napangiti naman siya at napakagat ng labi—buwisit, bakit may pagkagat ng labi?!

"Ay, sorry. Baka sa sobrang tagal, di mo na ako kilala," dagdag niya, saka niya inalok ang kamay niya. "Jappa."

I know. Paano ko naman siya makakalimutan?

"Christine—" sagot ko, makikipagkamay sana. Pero nagulat ako nang imbes na kamayan niya ako, kinuha pa niya ang kamay ko at hinalikan.

Parang inanod ang kaluluwa ko nang ginawa niya 'yon, lalo na nang sinabayan pa niya ng pagtawag sa pangalan ko gamit ang malalim niyang boses—"CJ."

Napalanghap na lang ako ng hangin, pero hindi ko na nailabas.

"Pasok na tayo?" pag-aya niya.

Tumango lang ako. Sa loob-loob ko, gusto kong pagsampal-sampalin ang sarili ko dahil ang tagal kong ni-rehearse ang mga sasabihin kung sakaling magkita kami, pero ngayong nasa harap ko na siya, wala naman akong masabi. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko na parang reyna ako ng buhay niya at paupuin kung saan ako nakaupo.

Pero puno na ang table namin. Ibig sabihin, hindi siya rito naka-assign.

Sisimangot na sana ako nang bigla siyang bumulong sa tenga ko, "Usap tayo mamaya." Tumaas lahat ng balahibo ko, at bigla akong nanginig, hindi lang dahil sa lamig ng lugar kundi pati sa boses niyang niyanig ang buong kaluluwa ko. Ang mokong—nakita ko pang ngumiti.

Saktong tinawag ang pangalan ng iilang mga bachelor sa harapm, kasama si Jappa. Usually, sa mga kasal na in-attendan ko, nauuna ang saluhan ng bouquet. Pero dito sa kasal nina Trish at Wayne, nauna yata ang laro para sa kung sino ang magsusuot ng garter.

Tawa ako nang tawa kung paanong parang uod sumayaw si Wayne sa harap ni Trish, kahit ang goal naman talaga ay sexy dance. Naghiyawan ang lahat lalo nang umilalim si Wayne sa makapal na wedding gown para kunin ang garter sa legs ni Trish, saka binato ang garter papunta sa mga bachelor.

At ang nakakuha? Si Jappa lang naman.

"Pucha naman. Kailangan ko tuloy seryosohin ang habulan ng bouquet," bulong ko sa sarili ko.

Sumunod namang tinawag ang mga bachelorette. At dahil tinawag ang pangalan ko, wala akong choice kundi ang makisali. Habang naglalakad papunta sa harap, nakita ko naman siyang papunta sa 'kin. Napangiti ako nang kinindatan niya ako.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon