Chapter 15: Summer Fling

1.3K 137 30
                                    

Hindi ako pinatulog ng nangyari no'ng outing na 'yon. Minsan parang gusto ko na lang tawagan si Wayne at itanong kung ano ba 'yong nangyari, kung mahal pa rin ba niya ako, at kung oo . . . bakit niya niloloko si Cara . . . at ang sarili niya? Gusto kong sabihing hindi porke pakiramdam ko e "naagaw" siya sa 'kin e gagawin ko rin 'yon—kahit sa totoo lang, may porsiyento sa 'kin na gusto kong maramdaman nilang pareho ang sakit na dinanas ko. Nagpasalamat na lang ako sa kung paano ako pinalaki kaya alam kong mas lalala lang ang sitwasyon kung ginawa ko 'yon. Isa pa, may sense ba kung tanungin ko? Wala. Iniisip ko na lang, nilalaro na lang niya ako.

Pero pa'no kung hindi?

Ay! Utang na loob, CJ! Move on! demanda ko sa sarili ko.

Paano ba ako matatahimik?

Minsan nga, napapatulala na ako. Tatawagan ko ba si Wayne at sabihing basta nasa tabi lang niya ako kung kailangan niya ako? Pero, di ba, in-e-enable ko lang 'yong ugali niya? Para ko na ring sinabi na okay lang sa 'kin maging third party.

Pero . . .

"Anong pero-pero?!" galit na sinabi ko habang dinuduro-duro ang sarili ko sa salamin. "Asan ang values? Nilipad na ng hangin? Kinain na ng elepante? Sinipsip na ng lupa? FYI, hindi nagtrabaho ang magulang mo sa ibang bansa para lang maging third party ka. Please, CJ!"

Pero bakit gano'n?

Kahit anong gawin ko, may isang parte sa loob ko na . . . gustong bumalik?

"Ano bang gusto niya? Kalandian? Nababagot siya? Karga na 'yon ng konsensiya na. 'Wag ka na magpakarga."

Nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Si Jappa pala. May text.


Jappa: Musta?


Buti pa 'to, nakakaalala.


Jappa: Pwet siya ng hippopotamus. Di ko akalain na ganyan siya. Pinagsabihan ko na. Ano ba tingin niya sa sarili niya? Trumpong kaya paikutin ang mga babae?"

CJ: Hahaha anong sabi?

Jappa: Hindi nagreply

CJ: Ibang klase pag may mas apektado kesa sa kin

CJ: Dati parang stranger ka lang na parang kabuteng lumitaw sa buhay ko tas ang tahimik mo. Ngayon ang ingay mo na.

Jappa: Tahimik pa rin naman ako

Jappa: Maingay lang ako pag dating sayo.

Jappa: May mali ba don?

CJ: Wala. Amazing nga e. It means I'm special hahahaha

Jappa: Gala tayo

CJ: Ngayon?

Jappa: Kahit bukas.

CJ: Copy. Bagot na rin ako. Naghihintay na lang ng mga college stuff. Kinakabahan ako. In a few weeks na lang!!!

Jappa: Text kita bukas alis na kami

CJ: San punta?

Jappa: Errands

CJ: Naks maka-errands hahahahha

Jappa: Loko

CJ: Text ka tom ha! See you! Dalhin mo guitar! Jamming tayo!

Jappa: Sige. See you :)

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon