Chapter 26: Chaos

1K 97 76
                                    

Hindi ko na alam. Siguro masyado na akong nag-o-overthink dahil ayaw ko na ulit masaktan katulad noon, at ayoko—higit sa lahat—na ipagpapalit sa iba. Parang mas okey na ako na lang ang maunang umalis? Pero ang gago naman ng ganitong pag-iisip tapos nasa isang relationship. I mean . . . may papasok ba sa isang relationship, thinking na siya ang unang aalis para hindi siya ang unang masasaktan?

Simula no'ng araw na 'yon, hindi ko na nakita si Trish. Siguro kasi alam ni Wayne na magkakasakitan at mag-aaway lang kami.

Isang araw, uwian time na, nag-uusap kami ni Loreen nang biglang nag-text si Jappa.


Jappa: Musta puso?


"Nang-aasar ba 'to?" nakangiti kong tanong sa sarili ko. Pero di ko na nareplayan dahil wala naman akong load. Ilang segundo pagkatapos, naka-receive naman ako ng text galing kay Wayne.


Wayne: Love, asan ka?


Dumiretso ako kaagad sa tindahan para bumili ng load. Doon ko na-realize na pag gusto mo 'yong tao, gagawin mo lahat para makausap mo. Ako lang kaya 'yong gano'n?


CJ: Dito ako sa tambayan. Ikaw, papunta ka na ba? I love you!


Siya na lang naman ang tangi kong hinihintay dahil five thirty ang tapos ng huling class niya. Nag-a-anticipate ako sa reply niya, pero matapos ang isang oras at ilang laro ng pusoy dos, hindi pa rin siya dumadating.

Nag-text ulit ako sa kanya for the nth time kung nasa'n na siya. At for the nth time, wala pa rin siyang sagot. Isa-isang nawawalan ng tao sa tambayan, at kahit si Loreen e umalis na.

Ako na lang ang natitira.


CJ: Love, asan ka?


Binalik ko sa kanya 'yong una niyang tanong sa 'kin. Hindi ko alam, pero naaasar ako dahil nagpa-load ako para sa kanya tapos ni isang reply e wala akong natanggap.

Pumapatak ang oras.

Sa pag-o-overthinkg, inisip ko na baka nakipagkita na siya kay Trish at kinabukasan sasabihin niyang iiwan na niya ako.

Nag-aalala na ako. Pumunta na ako sa social-media profiles niya, pero wala naman siyang updates. Ayaw kong makipag-away, pero galit na 'yong puso ko. Para bang . . . I feel neglected bigla. Kakatapos lang ng isang linggo, away na naman. Ano, every week na lang? Mabilis naman akong nag-reply, so bakit bigla siyang nawala? Alam ko namang di siya nawawalan ng pera sa wallet kahit anong mangyari, at alam kong maglo-load siya para lang sagutin ako—well, iyon ang nakilala kong Wayne.

Anong nangyari?

Paano kung magkausap na pala sila ni Trish at inaakit na pala siya? O kaya sinadya niyang i-silent 'yong phone niya para di ko marinig?

In anyway, hindi ko gusto ang pinaghihintay.


CJ: Jappa...san ka? Sorry di ako nakareply kanina

CJ: Galit ako aaaaaaaaaaaah

Jappa: Uy bakit

Jappa: Papunta sana kay Carmela


At dahil do'n, di ko na tuloy alam kung magre-reply pa ako o hindi. Gusto ko ng kausap habang hinihintay si Wayne—or, specifically, ng iiyakan.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon