Chapter 3: Plan A

2.4K 183 57
                                    

Nawawalan na talaga ako ng gana sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Masakit, e. Hindi ko tuloy alam kung anong mas okay: ang makipag-break siya sa 'kin dahil wala na siyang nararamdaman, o ang makipag-break siya sa 'kin dahil may nararamdaman na siya para sa iba?

Either way, masakit.

Hindi gano'n kadaling mag-move on. Hindi ako OA, hindi ako bitter. Hindi lang talaga gano'n kadali ang mag-move on. Almost four years na relationship na pinagpalit niya sa isang summer fling? Hindi ko maintindihan . . . kasi wala naman ako sa sapatos niya. Hindi naman ako ang na-in love sa iba. Ako 'yong naiwanan.

Nasa classroom ako at nakikinig ng music. 'Yon lang naman ang tangi kong ginagawa. Lalabas lang ako pag pupunta sa banyo o kaya sa lab o sa dorm tuwing uuwi. Hindi na ako kumakain tuwing breaks, at do'n lang talaga ako sa sulok nakikinig.

Pumunta sa 'kin sina Yanna at Luis, ang mga kakampi ko sa masikip na mundong 'to.

"Girl, nandito lang kami," pag-i-insist ni Yanna. "Babangon tayo sa hukay ulit."

"Sadly, nang namingwit ka ng fish sa dagat, akala mo dolphin 'yong nakuha mo. 'Yon pala, salbabidang dolphin lang. Walang utak na ipagpalit ka sa isang echoserang frog." Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Luis. Hindi talaga siya nauubusan ng paraan para mapatawa ako.

"Tama si bakla, girl. Airhead lang si Wayne."

"Nakakabaliw tayo, 'no? No'ng sila pa, akala mo naman kung sino tayo makakilig sa kanilang dalawa."

"'Ba malay nating sasaktan niya si CJ."

"Thanks, girls. Kailangan ko talaga 'yan," sabi ko at umupo na sa floor na parang bata. Kinuha ko 'yong El Fili book ko dahil hindi ako nakapag-aral kagabi tapos may quiz mamaya sa Filipino.

"Alam ko na. What if, pagselosin mo kaya?" tanong ni Yanna. "Baka effective."

"Alam niyo, lumang kuwento na 'yan. Tsaka, hindi ako gano'ng tao. Alam niyong hindi ako user. Wala akong magagawa kung . . . kung siya talaga."

Umupo sa tabi ko si Luis. "Mas fresh pa talaga sa binili kong pusit kaninang umaga sa palengke 'yong sugat niyang Wayne-frog 'yan."

"Malay mo," pagpupumilit ni Yanna. "Plan A—pagselosin si Wayne."

"Ayaw ko nga. Dito na lang ako sa loob ng room."

"At magluluksa?" tanong ni Luis. "Two weeks na, dear. Last week pa dapat nilibing yan. Nabubulok na sa kabaong 'yong patay na feelings niya."

Tumawa si Yanna. "Forty days naman daw kasi ang pagluluksa. Teka, forty days nga ba?"

Siyempee ang ganda ng topic nila, di ba? Ang pagluluksa at kamatayan.

Bumalik na kami sa mga upuan namin dahil dumating na ang susunod na teacher. Habang nagkaklase, pinatawag ako ni Ma'am Eufemia sa faculty bilang ako ang class secretary at advisory niya kami. Kailangan daw kasi niya now na ang attendance. Ipapasa yata sa principal. Although hindi talaga ako, ginawa akong secretary sa klase dahil maganda ako magsulat.

Sabi pa niya, sabihan ko raw lahat ng secretary ng bawat section na magbigay sa kanya ng attendance mula October hanggang ngayong third week ng January. Pagbigay niya ng listahan ng mga fourth-year secretaries, do'n ko nalaman na secretary pala si Jappa ng section nila.

Naisip ko, Shoot naman. So ibig sabihin kakatok ako sa room nina Wayne? Sabing nagmu-move on na nga, e.

Pero wala naman akong magagawa. Utos ni ma'am.

Pumunta muna ako sa dulong section, tapos 'yong susunod, at 'yong susunod. At ang huling room na natitira, 'yong kina Wayne.

Hinga . . . buga.

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon