Chapter 23: Cliffhanger

1.2K 127 56
                                    

Bangag ako kung maituturing kagagawa ng paper na dapat ngayon isa-submit. Pero sa sobrang distracted ako kagabi, hindi ako nakagawa nang maayos at natagalan ako sa paggawa.

"O, bangag?"

Nagulat ako nang biglang tumabi sa 'kin si Wayne matapos niyang ilagay ang bag niya sa harap ko. Binuksan niya agad 'yong brunch na dala-dala niya. Pagtingin ko sa orasan, 11:45 na pala, pero wala pa rin ako sa katinuan.

To all fairness, kinilig ako nang tumabi siya sa 'kin Wayne. Bakit gano'n? Hindi naman ganito 'yong kilig ko no'ng mga nakaraang araw na kasama ko siya. Dahil ba inamin ni Jappa na baka gusto ako ni Wayne? Ganito ba talaga kapag nalaman mong may gusto sa 'yo 'yong crush mo at hindi niya alam na alam mo? Bakit parang mas tumindi 'yong pagka-crush ko sa kanya nang nalaman kong crush niya ako?

"Oo, e," sagot ko. "Di kasi ako maka-concentrate kagabi."

"Dahil kay Jappa, 'no?"

"Ha? Hoy, friends lang kami n'on."

"Parang iba makatitig," dahilan niya. "Nase-sense ko lang."

"Hala. Issue ka, ano? May girlfriend 'yon."

Napairap si Wayne. "Talaga? Hindi ko 'yon alam."

"Since high school naman, masikreto 'yon."

"So close nga kayo no'ng high school kahit di kayo naging magkaklase?"

"Kabarkada niya 'yong ex ko dati. Tapos ewan ko. Basta bigla na lang kami naging close ni Jappa."

At do'n ako mali—ang banggitin ang pangalan ni Jappa nang malakas dahil di ko namalayang kararating lang ni Loreen. "Jappa?!" pasigaw niyang tanong.
Nakarinig ako ng Jappa?!"

Napataas ng kilay si Wayne. "Bakit? Kilala mo si Jappa?"

"Isa siya do'n sa mga characters ni CJ sa story niya."

Ah, shit.

Tiningnan lang ako ni Wayne. "O? 'Yon 'yong . . . Sinusulat mo na—"

Nagbuntonghininga ako. Suko na ako sa barangay kasi buking na ako. Kaysa i-deny ko pa. "Oo, siya."

"Bakit?! OMG. Nag-e-exist siya?!" Tumabi sa 'kin si Loreen at tinulak-tulad ako. "Nasaan siya?! Single pa ba?!"

Natawa kaming pareho ni Wayne. "Brod ko 'yon."

"Patingin! Patingiiiiin! Wow, so ibig sabihin totoo rin 'yong Wayne?"

Too late na para takpan 'yong bibig niya. Nakita ko na lang na nakatingin si Wayne sa 'kin nang nakakunot ang noo. "Di ko ba puwedeng Mabasa?"

Hell no. "Ayaw ko nga."

Pero hindi papapigil 'tong si Loreen. "Meron akong kop—"

"Lor! Ano ba!"

"Pasend mamayang gabi." Tapos tumayo siya dahil may tumawag sa kanya. Damn it. Napatingin na lang ako nang masama kay Loreen, and I swear, gusto ko siyang ibitay patiwarik.

"Looooor! Namaaaaan eeeee!"

"Bakit?" tanong niya. "E, ano naman kung may kapangalan siya?"

"Di mo kasi gets. Nakakahiya."

"Ba't ka nahihiya? Gawa mo 'yon, mars! At hoy! Sabi mo fiction lang 'yon! Bakit biglang nag-e-exist si Jappa?! Where da loo?"

"Dito pala siya nag-aaral. Di niya kinuha 'yong scholarship."

"Wow, OMG, para habulin ka?"

"Gaga," sagot ko. "Mas mabigat pa rin kasi 'yong pangalan daw na dadalhin na graduate ka rito. Di ko gets 'yon, pero sige na lang. Sabagay, kung dream university mo talaga umpisa pa lang, di ba?"

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon