Chapter 29: Nothing New

1.1K 115 63
                                    

Mukhang malamig yata ang Pasko ko, pero mas okay na 'yon kaysa manatili sa isang relationship na hindi naman nagwo-work. Okay na rin 'to. It was better to leave him like that kaysa mas lumala pa, katulad no'ng nangyari doon sa ex ko.

Siguro dahil na-realize ko rin na, at some point, nawawala na 'yong mga nararamdaman ko para sa kanya. Unti-unting lumalayo ang puso kada expectation na hindi nafu-fulfill, kada pangakong napapako, kada oras na nasasayang. At ayoko nang magpanggap na okay lang kami dahil kapag tinuloy pa namin, mas lalo lang kami magkakasakitan.

Nanghihinayang lang ako sa friendship na naumpisahan namin kasi tatlong taon kaming magkaibigan bago ang lahat ng 'to, tapos ganito ang bagsak. Dati, lagi kaming nagkukuwentuhan at nagha-hangout. Ngayon, di na namin 'yon magagawa.


Wayne: You weren't the greatest girlfriend. But... CJ... Please know that I really fell in love with you.


Iyon ang huli niyang text sa 'kin.

Huminga ako nang malalim, niyakap ang unan ko, at sumigaw, "Hello, singleness! We meet once again!"

For some reason, I felt relieved. Relieved dahil wala ng away-away at wala akong in-e-expect na taong gagawin ang ganito't ganyan sa akin. Dahil sa experience na 'to, sa susunod na magkaka-relationship ulit ako, mas mapapaalalahanan ko na ang sarili ko sa mga maling nagawa ko. Well, kung magiging handa pa ako.

Noong una, puro siya, siya, siya. Pero sa dahil hindi ko masyadong pinahalagahan ang sarili ko, di ko na napansing may minamahal na siyang iba at out of the picture na ako. 'Yong pangalawa naman, puro ako, ako, ako. At dahil hindi kami parehas ng gusto para sa relationship namin at hindi kami nag-"meet halfway," ako na mismo ang tuluyang nawalan ng gana at naunang bumitaw.

Umikot ako sa kama at napatingin sa singsing ko. Suot pa kaya ni Wayne 'yong kanya? tanong ko sa utak ko. Come to think of it, parang hindi ko nga yatang nakitang sinuot niya 'yong kanya ever. O baka hindi ko na rin napansin.

Nagbuntonghininga ako bago bumangon. "Isang araw, mawawalan ka rin ng meaning," sabi ko sa sarili ko doon sa singsing bago tanggalin at ilagay sa jewelry box. Saktong nakita ko 'yong red na plastic na singsing na bigay ni Jappa noong high school. Napangiti ako.

Inisip kong sabihin kay Jappa na wala na kami ni Wayne; on the other hand, naisip ko ring okay na sila ni Charm. Masaya na siya, isip-isip ko. Kung ikaw ba girlfriend, gusto mong tineteks ng ex-crush ng boyfriend mo ang boyfriend mo? Hindi, di ba? So 'wag na.

Naisip ko tuloy, paano kung tuluyan akong nadevelop kay Jappa noon? Ano kayang mangyayari? Masasaktan ba ako? Katulad rin ba ng dati?

Basta for sure, if it would end, pati 'yong pagkakaibigan, mawawala rin.

"Ayan na naman ako. Iniisip agad ang katapusan," sabi ko sa sarili ko.

Ang ending, tinawagan ko na lang si Loreen. Kinuwento ko sa kanya na break na kami, only to find out na nauna na niyang nalaman mula kay Wayne.

"I think you were stupid and immature to do those things to him," komento niya, "but it was wise to let him go. Di ka niya deserve, e."

"Wow, girl, true friend."

Tumawa siya. "Joke lang. Pero sigurado naman ako na, alam mo naman na ang pagkakamali mo."

"Yup." Nagbuntonghininga ako. "It was good to hear that."

"Although, nakakatawa na ikaw 'yong nakipag-break. I mean, ikaw na nga 'tong gumagawa ng ka-echosan sa kanya, ikaw pa 'tong nakipaghiwalay."

"Girl naman kasi, di na talaga nagwo-work out. Di kami compatible. Mas goods kami as friends."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon