Chapter 8: Q.E.D.

1.7K 162 39
                                    

Mas nawawala na sa isip ko si Wayne—salamat sa efforts nina Yanna, Luis, at Jappa—pero siyempre, hindi ko pa rin maiwasan na sumulyap sa classroom nila. Nga lang, kung dati ay 100 percent na hinahanap ng mata ko si Wayne, ngayon e 50 percent na lang. 'Yong isang 50 percent, dahil kay Jappa.

"Oy," tawag niya sa 'kin nang napansin niyang dumaan na naman ako. "Pang limang daan mo na 'to."

"Lunch naman, e," sagot ko. "Ba't ba?"

"Gusto mo tawagin ko?"

"Ga—" Pero pinigilan ko ang sarili ko. "Ikaw kaya hinahanap ko."

Nakatingin lang muna siya sa 'kin bago siya naglakad papunta do'n sa dulo ng corridor, medyo tapat ng classroom, para Hindi muna siya sumagot

"Pag dating ko ng college, I shall seek to find," biro ko.

"Alam mo, di naman hinahanap 'yon. Pag lalo mong hinanap, lalo mong hindi makikita. Pag pinilit mo, sabihin nating nagustuhan mo nga, pero gusto mo ba talaga 'yon? Na ang umpisa n'yo e pinilit lang."

"Ikaw na. Sige na. Ikaw na ang nagdaan sa lahat ng uri ng love story."

"CJ!" Narinig kong sigaw ni Yanna sa classroom. "Ano bang—ay, sorry, may moment pala diyan."

Nakarinig ako ng panunukso sa mga kaklase ko, at may narinig pa nga akong Huwag kasing pigilan at Kalimutan na kasi. Ang sagot ko lang: "Weh, Yanna, tumigil ka nga."

Lumapit si Yanna sa 'min at saka ako tinulak na parang nanunukso. "'Yan, o! Ang dali kayang mag-move on! Nandiyan naman si Jappa—"

"Yanna!"

"Kung ako sa 'yo, kakalimutan ko si Wayne para kay Jappa. Di ba, Papa Japs?!"

Biglang sumulpot si Luis na parang kabute at sumabat, "True. 'Yang mga ganyan-ganyan, diyan nag-umpisa ang lolo't lola ko."

"O?" panlaban ni Yanna. "'Yong tatay ko kapatid ng ex ng nanay ko, e. Spell awkward talaga kami sa tito namin."

"Ay, 'te, ikaw bida rito? Si Papa at si CJ kasi tinutukso ko."

Nanlaki ang mata ni Jappa sa tawag ni Luis sa kanya. "Papa?!"

Tawa ako nang tawa sa reaction niya. Itutuloy nga sana namin ang kuwentuhan nang dumating 'yong barkada niya. Naging baliktad nga, e. Kung dati, siya 'yong pinakahindi ko kinakausap sa barkada nila, ngayon, siya naman 'yong pinakanakakausap ko—to the point na parang ayaw ko na pansinin 'yong iba niyang kabarkada.

Bumalik na lang ako sa classroom at nagsagot ng Sudoku. Tapos biglang nag-vibrate ng phone ko.


Jappa: Gusto ni Wayne magdinner kasama ka.

CJ: What? Bakit daw? Anong dinner ang pinagsasasabi niya?!

Jappa: May paguusapan daw kayo.

CJ: About what? Sa breakup? Hindi ko alam kung sinong hindi makamove on eh. Ako o siya.

Jappa: Ayaw ka niyang pakawalan bilang kaibigan. Sabi niya.

CJ: Ayaw ko siyang pakawalan bilang boyfriend, pero ginawa ko yun dahil ayaw na niya sa kin at ayoko naman ipilit ang sarili ko. Ngayon gusto niyang maging makasarili?? At ayaw niya akong pakawalan??

CJ: Sa tv lang nangyayari yung nagiging friends ang mag ex. Sa realidad . . . PLEASE. LEAVE ME ALONE. Imba tawag sa mga ganon.

Jappa: Sigurado ka, ayaw mo ituloy?

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon