CHAPTER 33: Campus Girl Crush

36 9 3
                                    

"Campus Girl Crush"
____________________________

ARBIE'S POV

"Anong sabi ni Lance?" Tanong ko kay Mika pagkalabas ng teacher namin.

3rd period namin ngayon sa umaga at vacant time.

"Pumayag na siyang sumama sa orphanage this weekend." Sagot niya.

"S-s-sina Aeron?" Utal na tanong ko ulit.

"Hindi ko pa nasasabihan si Aethan eh, tapos si Aeron di ko pa din siya nakikita." Aniya.

Napatingin ako sa gawi ni Aethan, gaya ng lagi niyang ginagawa pag vacant time nagbabasa lang ulit siya.

"Puntahan mo na siya. Wala naman siyang ibang ginagawa oh." Sabi ko habang nakatingin parin kay Aethan.

"Hmm mamaya na sa break time p--"

"Ngayon na!" Agad na bulyaw ko.

Gulat naman siyang natigilan. "Kakagulat ka naman bess. Atat lang?"

Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Bakit ba kasi ganun ang ginawa ko? Hindi ko pinlano yun ha.

"A-a-ang ibig kong sabihin... itanong mo na siya habang wala siyang ginagawa." Utal na sabi ko.

"Okay.. ito na ito na. Wag mona ako bulyawan jan." Sabi niya saka mabilis na pinuntahan si Aethan.

Tinitignan ko lang sila habang nag-uusap. Halata naman kay Aethan na wala talaga siyang interes. Mukhang malabo dalagang pumunta silang dalawa.

Maya-maya ay bumalik na si Mika saka umupo sa katabi kong upuan.

"Oh ano?" Tanong ko agad.

"He'll check his schedule daw." Tinatamad na sabi niya.

'Ano? Schedule?'

"Check his schedule? Ano siya business man?" Sarkastiko kong tugon.

Nagkibit-balikat siya. "Eh yun ang sinabi niya. Tsaka alam mo naman ang pamilyang Martinez diba? Malay mo may out of the country, paganon eme."

'Ibig sabihin maliit talaga ang chance na makita ko si Aeron?.'

"Eh bakit problemado ka naman jan?" Tanong niya sakin.

"H-h-ha? Hindi ah. Wala akong problema, bakit naman ako mamomroblema dahil lang hindi pupunta si Aeron?"

"Oh hule!" Bulyaw niya. "Alam mo bess, pinagtatakpan mo ang sarili mo pero nahuhulog ka parin sa sarili mong patibong." Aniya.

"A-a-anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman akong sinasabing dahilan kung bakit ka namomroblema. Masyado kang pahalata." Saad niya pa.

A Letter From Mr. ANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ