CHAPTER 25: Truth or Dare?

29 8 1
                                    

"Truth or Dare?"
__________________

ARBIE'S POV

"Nak, isarado ninyo ng mabuti yung tent niyo ha?" Saad sakin ni papa.

"Opo pa." Sagot ko nalang.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit lang kami saglit saka lahat ay naghahanda na para magpahinga at matulog. Yun kasi ang sabi ni President Martinez.

"Tumawag ba sayo ang mama?" Tanong niya pa.

"Opo tumawag siya sakin kanina, tinanong niya lang po kung kumusta tayo dito." Sagot ko.

"Hmm.. Siya, siya. Isarado niyo ha. Matulog na kayo."

"Opo pa."

Tumango lang ito saka umalis na. Ako naman ay pumasok na sa loob ng tent.

"Bess, busog na busog talaga ako." agad na sabi ni Mika pagkapasok ko.

"Takam na takam ka naman kase kanina kanina" aniya ko.

"Eh ang daming foods bess! Atsaka ang sarap kase."

"Hindi ba kelangan mo lang magbawas?" Tanong ko.

"Hindi naman, parang hindi naman ako natatae bess eh. Busog na busog lang talaga ako." Sagot niya.

"Siguraduhin mo lang. Hindi kita sasamahan pag nagkataon." Pagtataray ko sa kaniya.

Inirapan niya lang naman ako.

"Oh sige na, matulog na tayo." Sabi ko sabay higa na.

Humiga na rin siya saka pinatay na ang lamplight na loob. "Goodnight bess." Aniya pa.

"Goodnight" Sagot ko rin habang nakatalikod sa kaniya.

Hindi na siya nagsalita kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.

Maya-maya ay narinig ko nanaman ang ingay niya. "Bess?"

Muli ay napadilat ako tsaka napatingin sa kaniya. "Ano?" Tanong ko.

"Bess! Feeling ko talaga hindi ako makakatulog sa busog ko!" Inis na sabi niya saka mabilis na bumangon sa pagkakahiga.

"So anong gagawin mo?"

Inialis nito ang kumot sa paa niya. "Lalabas nalang muna ako. Kung hindi man ako makaramdam ng antok, edi hindi ako matutulog."

"Ano?" Mahinang singhal ko.

Binuksan niya ang tent saka lumabas.

Napabuntong-hininga ako saka napabangon nalang din. "Sandale! Sasama ako!" Aniya ko.

'Ayoko namang mag-isa dito. Mamaya may mumu eh.'

"Bilisan mo" Sabi niya pa.

A Letter From Mr. ADonde viven las historias. Descúbrelo ahora