CHAPTER 28: New Look

26 6 1
                                    

"New Look"
________________

ARBIE'S POV

"Goodmorning bess!" Hiyaw ni Mika habang papalapit sakin.

Kakarating lang din namin ni papa dito sa school. Huminto muna ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ito sakin.

"It's a happy Monday morning bess!" Aniya pa. "Ang ganda ng sinag ng araw, kaso nakakamiss yung simoy ng hangin sa Tagaytay!"

Hindi ko nalang pinansin ang pag-bubunganga niya. Wala ako sa mood dahil wala akong tulog kagabi kakagawa ng tambak na mga homeworks namin.

"Oh bess! Itsura mo mukhang sabog na sabog! What happened to you?" Tanong niya pa.

"Tinapos ko lahat ng requirements kagabi." Wala parin sa mood na sabi ko.

"Eh diba sabi mo Math nalang naman ang hindi mo nagagawa kagabi?"

"Oo nga bess. Pero sa tingin mo makakaya ko sagutan yun ng pagkabilis-bilis kagaya ng pag-gawa mo? Hanggang alas-tres ako ng umaga para lang sagutan yun tapos saka lang ako tinulungan ni papa nung naawa na siya sakin dahil wala pa akong tulog." Sunod-sunod na sagot ko.

Agad naman siyang napanguso. "Aww. Sabi ko kasi sayo bess, papakopyahin nalang kita eh." Aniya pa.

Gusto ko sana pero ayoko namang masanay sa mangongopya noh. "Gusto kong i-try na mag-sarili. Gusto ko namang makaramdam ng tuwa dahil nagawa ko mag-isa yun."

Napangiti ito. "Aww! Hayaan mo bess. Tatalino ka rin sa Math." Aniya.

"Okay lang. Si papa naman ang gumawa mg homeworks ko." Sagot ko.

Agad namang napa-awang ang mukha niya. "Oh akala ko ba gusto mong matuwa sa sarili mong gawa." Sarkastiko niyang sabi.

"Okay na yun. At least hindi parin ako nangopya. Tsaka sure ba akong tama lahat ng sagot mo?" Sarkastiko ko ding sabi.

"Ano?" Agad namang nagsalubong ang kilay niya. "Alam mo ikaw bess, super kana ha. You're hurting my precious heart!" Pag-arte niya saka muling humawak sa braso ko at ngumiti. "Compare natin answers natin maya ah. Hihi."

Ako naman ay tinignan siya mg masama. "Asuss... kaya naman pala."

"Bess, ichecheck ko lang naman kung tama yung mga sagot ko eh. At least ako nagsagot!"

"Oo na!" Aniya ko.

"Ayieee" Sabi niya pa saka namin tinuloy ang pag-lalakad.

Maya-maya ay napansin ko ang mga estudyanteng nag-kukumpulan malapit sa parking lot.

"Bess, ano yun? May artista ba?" Tanong ni Mika. Pati rin pala siya ay napansin iyon.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now