CHAPTER 21: 2nd Summer Capital

34 9 1
                                    

"2nd Summer Capital"
__________________________

Ringg! Ringg!

"Ughh! Sino ba yon?" Hindi kona tinignan kung sino yun basta't agad kong sinagot ang tawag.

"Hello bess!"

'Nako si Mika lang pala!'

"Hello? Bat ba ang lakas lakas ng boses mo Mikaela? Sarap ng tulog ko eh." Inis na saad ko.

"Ano ka ba?! Bumangon kana jan."

Agad kong tinignan ang wall clock ko at alas-singko palang ng umaga. "Bess, alas-singko palang... wala pa nga akong naririnig na tilaok ng manok eh."

"Malamang walang manok senyo. Ano kaba bumangon kana jan.Nakalimutan mona bang may trip to Tagaytay tayo ngayon?"

Agad akong napabangon dahil sa sinabi ni Mika. "Ay oo nga pala... nawala sa isip ko. Pero okay lang naka-ready naman na ako, kagabi pa nga eh"

"Mabuti naman. Sige na, see you later."

"Hmmm.." saad ko nalang saka patay na ng call.

'Hindi manlang ako ginising nila papa.'

Every year ay may nagaganap na after-party or feild trip ang mga student-athletes after ng Sportsfest sabi ni Mika, so masaya ako dahil makaka-attend ako this year!

Tumayo ako at nag-unat unat. Maya-maya ay may narinig akong kumakatok sa pintuan. "Pasok po."

"Oh Arbie anak, buti gising kana. Bumaba kana para kumain." Ani mama.

"Sige po susunod ako. Ayusin ko lang po dito."

"Wag na, wag na. Ako nang bahala jan, kumain kana sa baba dahil dapat daw maaga kayo ng papa mo." Aniya.

"Ganun ba? Hindi mo po ako ginising kanina ma."

"Ano ka ba paulit-ulit ka namin ginigising ng papa mo kanina kaso ang kulit mo talaga at nagdadabog-dabog ka pa."

"Ganun po ba? Hehe."

"Sige na sige na." Agad akong hinila ni mama. "Bumaba kana at kumain."

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at dumeretso nga sa dining area. "Goodmorning pa." Agad na bungad ko habang nagkakamot pa.

"Oh mabuti naman at nagising ka na. Iiwan talaga kita kapag hindi kapa nagising ngayon." Rinig kong sabi niya.

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon