CHAPTER 12: Expectation

51 23 4
                                    

"Expectation"
_________________

AETHAN'S POV

Late na kaming nakauwi kagabi galing sa byahe at kaninang alas-tres lang din ako nakatulog. Napag-pasyahan ni dad na sa 2nd period nalang daw kami pumasok ni kuya dahil alam niyang pagod kami sa byahe.

"Tara na Aeron. Aethan." Alok ni dad samin ni kuya.

Dito na din siya natulog sa mansion kagabi.

"Kuya...huy bro. Hali ka na, alis na daw tayo." Yugyog ko kay kuya na naka-iglip na sa sofa habang nag-aantay kay dad.

Agad naman nitong dinilat ang mata niya. "Oh?"

"Pasok na tayo." Saad ko.

Agad naman itong tumayo at isinukbit ang bag. Sabay kaming lumabas at nakasakay na nga si dad sa sasakyan kaya dali-dali din kaming sumakay.

"Bro, nag-toothbrush ka ba?" Tanong ni kuya sakin.

"Ha? Why?" Takang tanong ko din.

Tinuro niya naman ang ngipin ko. "Yang ngipin mo, may karne pa ng manok." Natatawa niyang sabi.

'Shit! Nakalimutan ko ba mag-toothbrush?'

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko kaya dali-dali kong itinapat ang cellphone ko sa bibig ko.

'Wala naman ah. Tsk.'

Inis ko naman itong tinignan. "Inis. Akala ko totoo. Tsk."

Agad naman siyang tumawa. "Bakit? Hindi ka talaga nag-toothbrush noh!" Pang-aasar niya pa.

"What?! Nag-toothbrush ako kanina." Inis paring sabi ko.

"Suss.. Yung itsura mo kanina. It's like you're asking yourself kung nag-toothbrush ka ba kanina." Natatawa niya paring sabi.

'Damn I think I really forgot.'

"N-n-nag-toothbruh ako." Nautal ko nang sabi.

"Eh bakit nauutal ka? Hahaha!" Natatawa niya paring tanong.

"I really do." Maikling saad ko saka pikit ng mata.

'Pagod ako.'

"Joke lang! Pahingi ako ng mouthwash mo. Nakalimutan ko kasi mag-toothbrush." Rinig kong saad ni kuya.

Muli ko namang dinilat ang mata ko at tinignan siya ng masama. "Ikaw naman pala ang hindi magsipilyo eh. Dinuro mo pa ako."

Nginitian niya lang ako ng nakakaloka. "Hehehehe."

"Kayong dalawa, dumaan kayo sa office ko at duon magsipilyo. Nagduduruan pa kayo eh." Sabad naman ni dad.

"Yes dad." Sabay naming ani ni kuya saka nagkatinginan. Pareho naman kaming natawa dahil sa scenario na yun.

"Familliar?" Tanong ni kuya.

Nuong bata pa kami ay lagi kaming pinapagalitan ni mom at dad sa tuwing hindi nag-toothbrush. Minsan ay umiiyak pa kami ni kuya dahil kinukurot kami ni dad sa singit.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now