CHAPTER 27: Self-pity

44 7 1
                                    

"Self-pity"
__________________

AERON'S POV

"Kuya chill okay? Walang mamagyayare kung panay lang ang kaka-ganyan mo. Sa ngayon huminahon ka muna."

"Bro, pano ako hihinahon kung ganito ang sitwasyon?" Aligaga po paring sabi.

Sa ngayon ay papunta na kami sa hospital dahil itinakbo daw si mama duon after suffering from severe headache.

Right after pagkababa namin galing sa cliff kanina ay sinabi samin ni dad na kailangan naming bumalik dito sa Makati dahil nga sa nangyare kay mama.

"Aeron anak, please calm down okay?" Ani dad habang abala sa pagmamaneho.

"We're almost here" Sabi naman ni Aethan.

Because of this, nalaman na rin ni Aethan ang tungkol sa sakit ni mama. Mabuti at hindi siya sobrang nabigla dahil dun. I thought magagalit siya samin ni dad dahil hindi manlang namin sinabi sa kaniya ang tungkol duon.

Maya-maya pa ay naka-rating na kami sa hospital. Mabilis kaming bumaba nanag mapatk ni dad ang sasakyan.

"Wait I'll call your tita Almira." Sabi pa ni dad habang naglalakd kami papasok sa hospital.

Tinanguan ko lang si dad. Ramdam ko ang mga pawis na nagsisituluan sa mukha ko. Parang hindi kona napapansin ang paligid ko dahil kabog lang ng dibdib ang naririnig at nararamdaman ko dulot ng kaba. It feels like kasalanan ko ang nangyare pero hindi ko naman alam kung bakit.

'After all dapat hindi ko iniwan si mama sa bahay kahit kasama niya si ate Lory. Sana hindi nalang ako sumama sa feildtrip.'

Natatakot ako sa anumang pwedeng mangyare. Gaya ng sinabi ko ay hindi ako handa.

"Dito tayo." Turo ni dad sa daan.

Sinusundan lang namin siya dahil siya naman ang kausap ni tita Almira. Mabuti nalang at naka-duty si tita Almira ngayon kaya siya na ang tumingin kay mama.

Maya-maya ay nakarating kami sa tapat ng Emergency Room.

"Almira said na mag-antay daw muna tayo dito because Isabel is still under observations." Ani dad.

Napaupo ako sa upuan duon at napahawak sa ulo. Ito na ang kinakatakutan ko, what if malubha na talaga ang sakit ni mama.

Agad kong naramdaman ang pag-hagod ni Aethan sa likod ko. "I know how you feel bro. Don't worry naiintindihan kita. Just think positive, I know tita Isabel will be okay." Aniya pa.

"Sana nga.. Sana mga ay okay lang siya." Tanging sambit ko.

Si dad naman ay napaupo rin sa tabi ko. Halata rin sa kaniya ang pag-aalala.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang 8 missed calls ko galing kay ate Lory at 5 missed calls galing kay dad.

'This is really my fault.'

Bago kami umakyat sa cliff  kanina ay iniwan ko sa tent ang phone ko para i-charge.

"Dad... do you think she'll be okay?" Pagtatanong ko kay dad.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now