CHAPTER 9: Wasted Efforts

77 33 4
                                    

"Wasted Efforts"
_________________________


ARBIE'S POV

Weekend nanaman.Saturday ngayon pero whole day ang practice namin  kaya hindi muna kami makakasama ni Mikaela at ni papa sa orphanage.

"Ugrhh! Sakit ng katawan ko huhuhu." Saad ko habang inuunat-unat ang katawan ko.

Puspusan ang practice kaya sobrang sakit ng katawan ko. Taka parin ako sa treatment sakin ni Anthony these past few days, kakaiba talaga siya. Pinapansin niya naman ako minsan pero hindi ganun katagal, tapos panay parin ang pagpapacute niya sa ibang babae.

'Lakas ng loob. Tsk.'

Mabilis akong naligo saka nag-ayos ng sarili. Pagka-baba ko sa dining area ay kumakain na sila mama.

"Goodmorning anakkk!" Masayang bati nila mama at papa.

"Goodmorning po." Sagot ko lang saka umupo sa upuan at kumuha ng makakain.

"Kumain ka ng marami kase whole day ang practice niyo ngayon." Ani mama.

"Opo ma" sagot ko saka subo ng hotdog.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Panay naman ang tanong ni mama tungkol sa practice namin tapos kay papa naman ay tungkol sa training nila.

.   .   .   .

PAGKARATING namin sa school ay medyo marami na rin ang athletes.

"Bess!" Salubong sakin ni Mika.

"Goodmorning." Ani ko lang.

"Hi tito Arths!" Saad niya saka nagmano kay papa.

"Hmm Goodmorning. Sila pareng Mike pumunta na sa orphanage?" Tanong ni papa kay Mika.

"Opo tito. Actually idinaan po nila ako dito." Sagot naman ni Mika.

"Hmmm.."

Sabay-sabay naman kaming tatlong pumunta sa gymnasium. Pagkarating namin duon ay marami nang dancers pati players.

"Goodmorning coach!" Agad namang bati ni Aeron habang papalapit samin at kasama niya pa si Aethan!

'Ano namang ginagawa ng buknol na to dito?'

"Hi Arbie and.. Mika right?" Dagdag pa ni Aeron.

Nginitian ko lang siya pero agad namang napawi nang magtama ang paningin namin Aethan.

'Tsk. Itsura mo parang ewan.'

Ewan ko kung bakit sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay parang gustong-gusto kong mambalat ng buhay.

'Ang aga-aga dilubyo agad ang makakasalubong ko. Tsk.'

Nang makalapit na silang dalawa sa amin ay naramdaman ko ang pagkurot ni Mika sa braso ko. Nabaon ang mahahaba niyang kuko sa balat ko!

A Letter From Mr. AOnde histórias criam vida. Descubra agora