CHAPTER 20: Final Game

32 9 1
                                    

"Final Game"
___________________

ARBIE'S POV

Sobrang bilis lumipas ng mga araw, last day na ng sportsfest. Sa lahat ng naging laro nila Aeron ay hindi kami umabsent ni Mika, good thing naman at palagi silang nananalo. Sa pag-kakaalam ko ay ang Andrew's High ulit ang makakalaban nila para sa championship.

"Bess! Dito tayo!" Agad akong hinila ni Mika saka kami umupo sa bleacher.

Hindi pa nagsisimula ang laro pero punong-puno na dito sa loob. Dumadagundong na din ang hiyawan kahit saang parte.

"Grabe. Eto nanaman, every year nalang itong dalawang team ang naglalaban sa finals." Dagdag ni Mika.

Nginitian ko lang siya. Maya-maya ay ipinakilala na din ang line-up ng bawat grupo.

*Prit!*

Agad na dumagundong ang sigawan dito sa loob pagkatapos ng malakas na pagpitong iyon.

"Ayan na bess! Ayan naaaaa!" Sigaw ni Mika habang niyuyugyog pa ako. "Go Prime High!" Dagdag niya pa.

Ngumiti lang ulit ako saka napatingin sa gawi ng Prime High team. Agad naman akong natigilan nang matanaw ko agad si Aeron.

'Heto nanaman...'

Sa tuwing napapatingin ako kay Aeron ay parang biglang tumitigil ang mundo ko. Iyon ay simula nung paghinalaan kong siya nga si Mr. A.

'Hindi ko alam kung tama pa ba ang iniisip ko.'

Pero, ayoko nanamang mag-assume. Kung ano man ang isang sign na nalaman ko, hindi parin sapat yun para sabihin kong siya nga si Mr. A.

"Huy bess!"

Agad akong napalingon kay Mika nang maramdaman ko ang pagtapik niya sakin. "Ha? A-ano yun? B-bakit? Lamang na ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napakunot naman ito ng nuo. "Okay ka lang? Para kang tanga jan." Tinuro niya ang scoreboard. "Ayan oh! Lamang nga sila pero isang puntos lang."

"Ah.. hehe." Napapahiyang aniya ko saka napakamot pa ng ulo.

"Okay ka lang jan? Tulog ka nanaman bess?" Natatawa niya nanamang aniya.

"Ha? Ano ka ba? Okay lang ako!" palusot ko.

"Eh baket tulala ka nanaman jan ha? Focused te!"

"Fo-f-focused! Oo nga! Focused talaga ako bess! Im internalizing! Focusing!" Agad ko siyang tinapik. "Alam mo kase bess sabi ng lola ko, kapag naka-focus ka daw ng mabuti duon sa tao at sasabihin mo ang gagawin niya, gagawin niya talaga!"

"Pano yon?" Tanong niya.

"Ah..for example! Hawak ni Lance yung bola, titigan mo siya ng mabuting-mabuti tapos isipin mo na mashoshoot niya yung bola... at mashoshoot niya talaga!" Sagot ko.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now