CHAPTER 15: Suspension

52 20 0
                                    

"Suspension"
_____________________

AETHAN'S POV

"Hindi ko siya ma-contact Miguel." Inis na saad ni tita Agatha.

Andito kami ngayon sa office ni dad at wala si Anthony.

"Ano bang pinaggagawa niyong tatlo?" Inis na singhal ni dad. "Aeron, Aethan, what did you do to Anthony kaya sinapak niya kayo?" Napahawak ito sa sintido. "You guys are cousins tapos ganiyan ang ginagawa niyo sa isa't-isa?"

Nanatili kaming tahimik ni kuya.

"Mabuti nalang at si Mr.Madrigal lang ang nakakita sa inyo dahil kung hinde, baka makaabot pa kay dad tong nangyare." Dagdag pa ni niya.

"Dad, just let this pass." Mahinahon kong aniya.

"No, Aethan. Hindi ko to palalagpasin. Kapag hahayaan nanaman natin siya, hindi siya matututo" Aniya. "Hindi ba Agatha?" Saka sarkastikong bumaling kay tita Agatha.

"Miguel..." Mahinahong ani tita.

"Agatha, can you not teach Anthony? Ang laki-laki niya na! Pero yang sintido niya, mas bata pa kesa kay Pia." Singhal ni dad.

"Dad..." mahinahon ko ring sabad.

"I'll suspend him. Sususpendihin ko siya hanggang matapos ang sportsfest." Seryosong saad ni dad.

'What? He'll suspend Anthony? Seryoso ba si dad?'

"Pero dad... paano ang laro namin? Kukulangin na kami ng players." Agad namang sabad ni kuya Aeron.

"Alam kong magagawan ng paraan ni Mr. Madrigal yun." Ani dad.

Napabuntong-hininga lang si kuya na nasa tabi ko. Alam kong malaki ring kawalan kapag wala si Anthony sa team dahil magaling talaga siya.

"For real Miguel?" Gulat na tanong ni Tita.

"Yes. Kelangan para matuto siya." Sagot ni dad.

"Pero Miguel----"

"Wala nang pero Agatha. I'll really suspend him, and make sure na pangangaralan niyo ang anak niyo for the whole period of his suspension." Seryosong ani dad.

Gusto kong pigilan si dad sa gusto niyang mangyare pero hindi eh. Alam ko ang ugali ni dad, hindi na mababago ang mga ginagawa niyang desisyon.

"Miguel, hindi naman ganun kalala ang nangyare kay Aethan at Aeron, pero sususpendihin mo parin ang anak ko?" Inis na singhal ni tita.

"Hindi pa ganun kalala at kapag mas malala pa jan ang inabot ng mga anak ko, hindi lang suspension ang aabutin ng anak mo." Pagalit nang sagot ni dad.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now