CHAPTER 13: Reality

58 24 2
                                    

"Reality"
_______________

MIKA'S POV

Ramdam ko ang tindi ng araw ngayon, sobrang init at naglalakad pa ako papunta sa office nila ma'am Lily.

'Nako sayang gluta! Joke!'

Pagkarating ko sa office nila ma'am Lily ay wala ngang tao sa loob, nag-dirediretso nalang ako sa table ni ma'am.

"Hello? Anybody here?" Pag-iingay ko pa kahit alam ko namang wala talagang tao.

Natawa lang ako sa sarili ko saka mabilis na hinanap ang mga paper forms na pinapadala ni maam Lily.

'Asan na ba yun?'

Agad ko naman itong nahanap. Pagka-hugot ko ng mga papel ay bigla ko namang natabig ang pen case ni ma'am dahilan para mahulog lahat ng pens niya sa baba ng mesa.

'Urghh! Minamalas nga naman Mika oh.'

Napakamot nalang ako ng ulo saka inis na pinulot ang mga pens. Maya-maya ay narinig kong bumubukas ang pinto. Pagka-angat ko ng ulo ko ay sakto namang nauntog ako.

"Aray!" Malakas na singhal ko.

"Excuse me? Are you okay?" Rinig kong tanong ng isang lalake.

Mahilo-hilo naman akong tumayo at laking gulat ko ng makita ko ang lalakeng iyon.

"Liam?" Gulat na tanong ko.

"What are you doing here?" Tanong niya.

'Wahhhhhhh! Si Liam nga!'

"Ah.. may pinapakuha lang sakin si Ma'am Lily." Sagot ko habang hawak-hawak parin ang ulo ko.

"Is it you?"

"Yung alin?" Tanong ko.

"I heard some noise.. are you okay?"

Agad naman akong napangiti "Okay lang ako! Mahina lang naman yun eh hihi" Sagot ko habang nag-papa cute pa.

"Okay." Maikling sagot niya saka pupunta sa table ni sir Paul.

'ts.'

Agad namang napawi ang ngiting suot ko.

'Sana pala sinabi kong hindi ako okay.'

"Ah...Kumusta sila tita Charlotte at tito Junho?" Tanong ko sa kaniya.

"They're doing good." Sagot niya lang habang abala sa ginagawa niya.

Si tita Charlotte at tito Junho ang parents ni Liam. Pareho silang wala dito sa Pilipinas dahil busy sila pareho sa business nila sa Korea, kaya si Liam lang at mga kasambahay nila lang ang nanduon sa bahay nila ngayon. Matagal na namin silang kapit-bahay kaya simula bata palang kami ni Liam ay magkakilala na kami.

"Kumusta daw sa Korea?" Tanong ko ulit.

"Ganun parin." Maikli nanaman niyang sagot.

Nuong bata kami ay close na close kaming dalawa, pero ngayon ay hindi na kagaya dati dahil siguro nga ay nag-mature na kami pareho. Kahit ganun, gusto ko parin ang closeness namin dati kaya kinakausap ko siya na para bang ganun parin kami ka-close.

A Letter From Mr. AOn viuen les histories. Descobreix ara