CHAPTER 30: Curiosity Strikes

36 9 4
                                    

"Curiosity Strikes"
__________________________

AERON'S POV

"Ma, papasok na po ako school." Paalam ko kay mama.

Nginitian niya lang ako saka tumango. Hirap na talaga siyang magsalita. Sinabihan na din naman ako ni tita Almira na baka nga maka-expirience si mama ng speech difficulty.

Nginitian ko lang din siya saka dahan-dahang hinalikan ang nuo niya.

"Ate Lory, kayo na po ang bahala kay mama." Saad ko kay ate Lory.

"Yes sir. Ako na po ang bahala" Aniya.

"Alis na po ako." Paalam ko saka tuluyang lumabas ng kwarto. Gusto ko din sanag magpaalan kay tita Almira pero naka-duty siya ngayon.

Binilisan ko din ang pagbaba dahil nag-aantay na daw sila dad at Aethan sa mismong harap ng hospital.

Pagkalabas ko nga ng hospital ay nanduon na ang sasakyan ni dad.

"Goodmorning." Agad na bati ko sa kanila.

"Goodmorning son." Si dad.

"Goodmorning bro." Si Aethan.

"Did you already eat breakfast?" Tanong ni dad.

"Yes I did dad." Sagot ko.

"Mabuti naman at naisipan mong pumasok ngayon." Sabi naman ni Aethan.

Napangiti ako saka inakbayan siya. "Bakit na-miss mo ba akong kasabay pumasok?" Paglalambing ko sa kaniya.

Iritable naman siyang napatingin sakin.

"Don't tell me hindi moko na-miss Aethan?" Pag-arte ko.

Agad naman napalitan ang ekspresyon ng mukha niya. "O-o-ofcourse I missed you..kuya." Utal na sabi niya. Alam kong sinasabi niya lang yun dahil ayaw niyang mas makaramdam ako ng lungkot sa loob ko.

Pinilit ko namang ngitian siya. "Sinungaling... Ikaw? Mami-miss ako?" Sarkastiko kong sabi.

"Edi wag. Wag kang maniwala kung ayaw mo." Masungit niya nanamang sabi.

I just chuckled and pat his head. "I miss you too bro. Na-miss ko ang kasungitan mo." Aniya ko.

Sinamaan niya ako ng tingin pero natawa parin naman ito.

"How's Isabel?" Agad namang tanong ni dad.

"Kagabi ay panay ang pag-susuka at seizures niya dad. But okay naman siya ngayong umaga." Sagot ko.

"Always give your mom a reason to live son... Remind her that she have you and us." Seryosong sabi naman ni dad.

"Y-y-yes dad..." Tanging sambit ko.

.   .   .   .


PAGKARATING ko sa classroom ay wala pa masyadong students. Panay naman ang bati ng goodmorning sakin ng classmates ko, siguro ay napansin din nilang ngayon lang ulit ako pumasok.

Dumeretso ako sa desk ko at napansin ko namang wala pa si Lance.

"Ah, Shaine." Tawag ko sa isa kong classmate. She's also a top student here like me.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now