CHAPTER 7: Red Rose

97 37 6
                                    

"Red Rose"
______________________

ARBIE'S POV

Papunta ako ngayon sa office nila maam Lily. Pinapa-excuse niya daw kasi ako eh."Maam?" Sambit ko pagkatapos buksan ang pinto.

Napalingon naman agad si maam Lily sakin. "Oh? You're here."

Mabilis akong lumapit sa kaniya. "May problema po ba maam?"

Natawa naman ito. "Wala naman.. I just called you here para i-inform ka."

"Of what maam?" Pagtataka ko.

"Isasali kita sa pep squad... Alam mo naman, kulang-kulang na din ang cheer dancers kasi gumraduate na ang iba right?" Nakangiti parin nitong sabi.

'What?! Sasali ako sa pep squad?!

Hindi ko napagilang magulat sa sinabi ni ma'am Lily. Kung may tubig lang ngayon sa bunganga ko baka naibuga kona sa mismong mukha niya. "P-p-pero b-bakit maam? Bakit ako? Wala naman akong hilig sa pagsasa-----"

"Nahhh Arbie. Alam kong marunong kang sumayaw. Even a small movement lang, nakikitaan na kita ng potential." Pagputol niya sa sinabi ko.

Well, sige aaminin ko may onting alam din ako sa pagsasayaw pero di ba nga? I don't have the guts to show it.

"But maam..." mahinahong sabi ko lang.

"Heyyy... C'mon Arabella , I know you can do it. Just be yourself and I know you really can do it."

"Ahmm.. Maam, if you don't mind, pwede po bang malaman kung sinong nag-suggest sakin?" Pagtatanong ko.

Ngumiti muna ito bago sumagot. "It's Mikaela."

'Sabi kona nga ba eh! Lagot talaga sakin yung maharot na yun!!'

"But syempre aside from suggestion ni Mika, talagang nakikitaan kita ng potential." Nakangiti paring sabi nito.

Walang parte sa akin na gusto kong sumali dahil ayaw ko talaga. Pero wala naman akong magagawa, hindi ko alam kung anong sasabihin ko para tanggihan ang sinasabi ni ma'am Lily. "A-a-I'll try maam." Nauutal na sabi ko.

"Oh, ill see you this afternoon ha." Sabi niya sabay tapik ng balikat ko.

'Ano pa nga ba?'

Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

"Oh.. sige na. Bumalik ka na sa klase mo."

Ngimiti lang ulit ako saka lumabas ng faculty. Pagkalabas ko ay saka ko binagsak ang mga balikat ko.

'Huhuh. Bakettttt?? Matutuktukan ko talaga si Mika mamaya!'

Padabog lang akong naglalakad pabalik sa classroom na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.

'Hayss..'

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now