CHAPTER 32: Friend Request

31 9 2
                                    

"Friend Request"
_______________________

MIKA'S POV

"Ano? How's the cookies?" Tanong sakin ni mommy.

"Wow! Super yummy nito mommy." Aniya ko habang ngumunguya parin.

Napangiti naman ito.

"Turuan mo naman ako sa susunod my. Ang sarap talaga!" Natutuwa ko pang sabi.

"Yes ofcourse baby. Tuturuan kita sa susunod." Aniya saka kumuha ng tupperware at naglagay ng cookies sa loob. "Dadalhin ko lang to kina Liam, para naman matikman niya din ang gawa kong cookies--"

"Ako na mommy!" Bulyaw ko saka agad na kinuha sa kaniya ang tupperware. "Ako na pong madadala nito sa kanila." Sabi ko pa.

"Are you sure?" Tanong niya.

Nakangiting tumango lang ako.

"Sya sge. Then you go now."

"Opo. Bye!" Sabi ko muna saka mabilis na naglakad papalabas ng kitchen. Bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay tinignan ko muna sa salamin ang itsura ko.

'Ayoko namang ang panget kong haharap kay Liam noh! It's a no no.'

Paglabas ko ay syempre binilisan ko talagang pumunta sa bahay nila. Nasa tabi lang naman to ng bahay namin, gaya ng sinabi ko magkapit-bahay lang kami ni Liam. Pagkapasok ko sa gate nila ay si Manang Josie ang sumalubong sakin, isa sa mga kasambahay nila.

"Oh Mika!" Masayang bati niya.

"Hi po manang." Aniya ko. "Ibibigay ko lang po sana tong cookies na pinapa-bigay ni mommy." Dagdag ko pa saka abot sa kaniya ng tupperware.

"Nako salamat. Hali ka pumasok ka muna." Pagyaya niya pa.

Syempre agad naman akong sumunod kay manang noh. Gusto ko naman talagang makita si Liam.

Pagkapasok ko ay agad kong nakita  treadmill na naka-lagay din dito sa sala nila. Naalala ko nung bata kaming dalawa ni Liam, sabay kaming nagtetreadmill tapos pinagtatawanan niya ako kapag pawis na pawis nako, ang pangit ko daw kasi tignan kapag haggard.

"Gusto mo bang mag-miryenda muna?"Tanong ni manang nang maka-upo ako sa sofa nila.

"Ah hindi na po, busog pa po ako eh." Sagot ko. "Ahh.. si Liam po?" Agad na tanong ko.

"Nako! Nasa taas yun, sa veranda ngayon." Aniya. "Gusto mo bang dalhan siya ng miryenda dun?" Kinikilig na mahinang tanong niya sakin. Madalas din kaming tuksuhin ni Manang Josie eh.

Agad ako napatayo. "Sure manang. Ako na ang bahala." Proud na sabi ko saka kinindatan pa siya.

"Teka. Mag-antay ka muna dito, ihahanda ko lang." Aniya saka excited na pumunta sa kusina.

Maya-maya ay bumalik na ulit si manang at may dala-dala nang maliit na trey na may dalawang baso ng juice at nakalagay na sa plato ang cookies.

"Oh heto. Dalhin mo na sa taas." Aniya saka dahan-dahang inabit sakin ang trey.

A Letter From Mr. AWhere stories live. Discover now