Kabanata 1

4.9K 140 253
                                    

Kabanata 1

Son

"Madam Rai!" Tawag sa akin ni Koseon, ang kababata ko.

Ngumisi ako at tinignan siya. Malawak ang ngiti niya. Mukhang naubos na niya ang binigay ko sa kanyang paninda. Wala nang laman ang basket na pinaglalagyan ng tinitinda kong nilupak, turon at okoy.

Sabi nila, gwapo daw si Koseon. Matangkad, payat at maputi. Hindi mapagkakamalang dukha na isang kahig at isang tukha rin, kagaya ko. Magaling din siyang mambola at mang sales talk.

Kaya rin siguro mabilis naubos ang paninda. Sa Carriedo ko siya pinapunta at pinatambay dahil maraming tao sa estasyon ngayon at habang naroon siya, narito naman ako.

"Success!" Tawa niya at lumapit sa akin.

Nilahad ko ang palad ko para sa pera. Mabilis naman niyang inabot sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Ako na diyan."

Ngumuso ako at pinagpagan ang daster na suot. "Na naman?"

"Siyempre. Kaya ko naman."

"Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Wala kong pambayad sayo!"

"Bukal sa loob kong tulungan ka, Madam."

Bumagsak ang tingin ko sa hilera ng paninda sa harapan namin. Paubos na rin naman 'to. At tama siya, simula noon pa man ay hindi naman niya ako pinag-iisipan at inuutakan. Madalas din ay sila ng mama niya ang katulong namin ni Mama lalo na pagdating sa pagkain at pera.

Simula kasi nang mamatay si Papa, mas lalo kaming naghirap ni Mama. Kumakayod na nga kami noon at nakaluhod na, nang mawala si Papa ay mas lalo kaming bumagsak. Gumagapang na kami ngayon. Pero kinakaya pa naman at patuloy na kakayanin.

Kahirapan lang 'yan! Baka Kraisini Inara Dela Riva 'to.

Pinunasan ko ang pawis at tinali ang buhok habang sinusubukang tumawag ng mga customer na maaaring bumili ng mga paninda namin. Dito ang pwesto ko malapit sa arko ng entrada papasok sa mismong plaza. Nakaharap kami sa Quezon boulevard para salubungin ang mga taong dumadaan sa pwestong ito.

"Ganda mo talaga." Hangang sabi ni Koseon. Kanina pa pala ako tinitignan.

"Crush mo na naman ako!" Irap ko at bahagya siyang tinulak palayo.

"Tagal na ah!"

"At tagal ko na ring sinasabi sayo na hindi tayo talo."

"Bakit, pechay din hanap mo?" Tawa niya. Umirap ako at kinuha ang aking abaniko para paypayin ang sarili.

"Bili na kayo... Masamang magpagutom..." Anyaya ko sa mga dumadaan at pilit na sumilong sa tabon ng mataas na obelisk ng isang babaeng gawa sa marmol, nakataas ang kamay niya at may hawak na sulo.

Sabi nila, nirerepresenta daw nito ang kalayaan natin. Natatawa na lang ako kapag nababanggit iyon sa paaralan. Sure ba kayo diyan? Hindi.

Pero seryoso, hindi ba 'yan nangangawit? Tagal nang nakataas ng kamay niya ha.

"Bili na kayo!"

"Magkano naman 'yan?" Tanong ng babaeng napadaan.

"Sampu na lang po para sa'yo. May discount na 'yan kasi pretty ka." Sabi ko kahit wala naman talagang discount at hindi naman talaga siya maganda.

"Sige, pabili ng dalawa."

Napangisi ako at sinenyasan si Koseon. Mabilis niyang kinuha ang dalawang nilupak at kumuha naman ako ng plastik at inabot sa babae ang binili niya.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon